MULING pinalawig ng Metro Rail Transit ang pagbiyahe ng Dalian train set.
Hanggang Disyembre 31 na bibiyahe ang Dalian train upang mas lalo pa itong mapag-aralan ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries. Dapat ay hanggang Nobyembre 30 na lamang ang test run.
At daragdagan din ang haba ng biyahe ng Dalian train kada araw. Bukod sa pagbiyahe nito mula 8:30 hanggang 10:30 ng gabi, bibiyahe na rin ito ng 1 hanggang 3 ng hapon kaya makatutulong ito sa mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Nais ng Sumitomo na obserbahan ang performance ng Dalian train.
Noong Oktobre 14 pumirma ng kasunduan ang Sumitomo para makabiyahe ang isang Dalian train set.
Ang isang Dalian train set ay may tatlong bagon at kayang magsakay ng 1,050 pasahero kada biyahe.