ISA pang escalator ng Metro Rail Transit 3 ang natapos kumpunihin ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.
Magagamit na ang escalator sa northbound ng Ayala station.
Dahil dito 37 na sa 46 escalator ng MRT3 ang nagagamit ng mga pasahero.
Ang lahat naman ng elevator ay matagal ng naayos.
Ang pagsasaayos ng escalators at elevators ay bahagi ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3. Layon ng aming maintenance provider na gawing operational ang lahat ng escalator bago matapos ang taong ito.