Whenever we hear Jose Mari Chan’s “Christmas in Our Hearts” playing on the radio, we know it is that time of the year where everywhere, well, kinda, is brighter.
Bukod pa yan sa regular feels ng marami kapag sumasapit ang Pasko.
Brighter nga raw ang mga gabi lalo na’t pag papalapit na ang Christmas dahil sa mga bonggang pailaw- from your very own home hanggang sa inyong mga barangay, sa opisina at lalo na sa iba’t ibang pasyalan.
Talagang pinupuntahan pa ang mga lugar na merong espesyal na pailaw.
We listed some places that you may want to visit because of their amazing Christmas displays. So wear your OOTD, tag along some friends and make some memories while visiting some of the brightest places around Metro. The best part dito, lahat libre!
1. Capitol Commons Capitol Commons, Meralco Ave, Ortigas Center, PasigDuring the day, it’s a neat place to hang-out but come night fall, isang mala-Los Angeles inspired Christmas lights
display ang makikita rito. From 6 to 11 p.m nakasindi ang tinatawag nilang Lights At The Park, an inspiration of the Urban Lights installation in Los Angeles. Hanggang January 5 mo makikita ang
display na ito.
2. Christmas Street Musical Light Tunnel Along Central Avenue, Pasig City With almost 9,216 bulbs ang patay-sindi na sinasabayan pa ng musika ang masasaksihan dito every 30 minutes na nagsisimula ng alas-6 ng gabi sa 213-meter stretch ng Central Avenue. Bukod pa riyan, isang food night market ang itinayo malapit dito para hindi lang mata ang mabubusog kapag bumisita
ka rito.
3. Gallery of Lights Ayala Triangle, Makati CityPara sa mga taga-Makati, ang yearly light show na ito is a must to visit. Noong nakaraan taon isang Disney inspired laser light show ang ipinakita nila. Ngayon naman, “The Gallery of Lights” ang titulo ng show na ito na ibinabandera ang tatlong magkakaibang tema using a 3D mapping.
Show starts at 6PM with lights shows every 30 minutes.
4. Gift Of Wonders Tiendesitas, Pasig City
With the backdrop of 150,000 Christmas lights siguradong panalong Instashots ang makukuha mo sa light installation ng Gift of Wonders.
5. Liwanag Park
Meralco, Pasig CityFun for families naman ang bright lights na hatid ng Liwanag Park na handog naman ng Meralco. (Huwag lang sanang sa publiko sisingilin ang gastos sa mga pailaw na yan). Featured sa loob ay ilang attractions gaya ng tunnel of lights, giant Christmas tree, a church replica light show at mga food stalls. Bukas sila araw-araw from 7 to 10 pm.
6. Christmas Forest of Lights Seaside Blvd. Pasay CityOne of the most prominent symbols (aside from the manger that symbolizes the birth of Christ) ay ang Christmas tree. Yan ang naging tema ng Christmas Forest of Lights na makikitasa Mall of Asia Seaside Blvd. Liliwanag ito simula alas-7 hanggang alas-12 ng hatinggabi. On Saturdays, mapapanood naman ang Grand Festival of Lights Parade simula 5:30 ng hapon.
7. Christmas Animated Display Araneta City Times Square Food Park, Cubao, Quezon CitySmack dab in front of a food park, ang animated Christmas display na ito ay masayang panoorin hanggang January 5. Simula 6p.m. hanggang 10p.m., every 15-minutes ang show dito. Huwag mo rin kalimutan kumuha ng photo sa harap ng giant Christmas tree that changes colors every now and then.