MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad Borja para sa isang katangi-tanging concert for a cause sa Music Museum sa darating na December 14.
Tinatawag na Music for Life, ang benefit Christmas concert na ito ay para sa Hemophilia Advocates-Philippines (HAP), isang organization na nag-a-advocate para sa mga Pilipinong may hemophilia, isang uri ng blood disorder.
Ito ay isang gabi ng kantahan ng mga OPM hits na kinalakihan at napakinggan ng maraming Pilipino.
Ang hemophilia ay isang blood disorder kung saan hindi nag-cloclot ang dugo. Ang mga apektado nito ay maaring madaling magkaroon ng pasa, mahihirapan maghilom ang mga sugat, madalas magkaroon ng nosebleed at masakit ang kasukasuhan. Tinatayang 10,000 Pinoy ang apektado ng genetic blood disorder na ito ayon sa World Federation of Hemophilia.
“We feel for those affected by hemophilia and other bleeding disorders and we want to help them in our own little way through this benefit concert,” says the OPM Hitmen sa isang press release.
For more concert details and ticket inquiries, email [email protected] or call (02) 8298 4737 or 0917 640 1371 and look for Ms. Yolly Alcantara.