ONE thing we Pinoy love is food.
Kaya hindi na katakataka na may mga pagkain tayo that we relate to certain days or occasions.
Tulad ngayong Pasko, may ilang food ang magiging bida at ngayon lang magpapakita.
Whether your planning a big family dinner, cooking for few or even eating out, mas feel mo ang Pasko kapag ito ang nakalatag sa lamesa mo.
1. Bibingka
Well, established na Christmas season is bibingka season. This was also the inspiration for the song of the same name by the band Ben & Ben about falling in love during Simbang Gabi. Gawa sa rice flour, coconut milk, eggs, sugar and baking powder.
Where to get: Felymar’s Bibingka at 1830 Rizal Avenue, Santa Cruz, Manila. Isa ng hole-in-the-wall type of carinderia style bibingka found near LRT-1 Tayuman station.
2. Hamon
The King, pagdating sa handaan, ay ang hamon. Ito ay madalas na giveaway sa mga opisina. Ginagawang star of every handaan.
Where to get: Excelente Ham at Palanca st. Quiapo, Manila. Madaling makita dahil laging blockbuster ang pila para sa Chinese style ham na ito.
3. Queso de Bola
Isang centerpiece din para sa handaang Pinoy ang queso de bola. Round in shape, ang red wax wrapped cheese na ito na itinuturing na swerte dahil sa pagiging round in shape nito. History says na ang pagkakabalot nito sa wax ay para hindi madaling mapanis kapag ito ay tinatravel.
Where to get: Your nearest grocery store. Mamili na ng favorite brand of cheese dahil panigurado meron silang sariling version ng mga queso de bola.
4. Leche flan
This dessert of all season may be foreign in origin pero isa ito sa pinaka-fave pagdating sa dessert lalo na kapag Christmas season. Roman in origin ang leche flan, kung saan ang first na inalaagan ang mga manok para sa mga itlog. Dahil sa dami ng itlog natutunan nila ang iba’t-ibang luto nito kung saan pinanganak ang leche flan, that was improved by the Spaniards to it’s delicious dessert counterpart na kilala natin ngayon. The Pinoy version is even more different dahil mas maraming itlog at mas creamy ito.
Where to get: Onyang’s Sweet Products at 23 Narig, Project 7, Quezon City. Isang sikat na spot for desserts kasama na ang favorite ng bayan na leche flan.
5.
Puto bumbong
Bukod sa bibingka, ang puto bumbong ag bida rin tuwing panahon ng Pasko. Kulay ng ube at gawa din sa rice flour ang pagkain na ito na usually ay nabibili tuwing Simbang gabi.
Where to get: Your nearest street seller or kung gusto mo ng medyo sosyal, Manam has their own version of puto bumbong.
6. Fruit Cakes
Original na bersyon ng fruit cake ay gawa sa mga dried nuts at candied fruit na usually ibinabad sa wine. Another version that needs no cooking ay ang paggamit ng graham crackers, whipped cream, gulaman and your choice of fruits bilang toppings.
Where to get: Mary Grace cafe’s classic fruit cake is a must ngayong holidays.