outbrain
Good Vibes

‘World-class’ Nayong Pilipino itatayo

By: - 01/06/2020

Photo: Facebook/ Nayong Filipino Foundation

Kaway-kaway sa mga Batang 90s diyan. Isa ka ba sa mga minsang nag-educational tour sa Nayong Pilipino? Kung oo mas makulay ang childhood mo.

Sikat na sikat itong field trip destination during elementary days. Dito kasi makikita ang exhibit ng iba’t ibang kulturang Pinoy gayundin ang mga ipinagmamalaking tourist spots sa bansa at iba pang tatak Noypi.

Maituturing na Philippine Village Park sa Pasay City, ipinasara ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2002 sa bisa ng Executive Order No. 11 para bigyang daan ang pagpapagawa ng nine-hectare taxiway at service road facility ng Ninoy Aquino International Airport Terminals 2 at 3.

Para mas palawigin ang “Pinoy identity,” magpapatayo ang Nayong Pilipino Foundation (NPF) at Department of Tourism (DOT) ng world-class, 9.57-hectare Cultural Park and Creative Hub sa Entertainment City, New Seaside Road, Paranaque City.

“It will be a place for enlivening the stories of our nation and nurturing our love of country,” saad ng NPF sa Facebook. “It will develop programs and spaces for rediscovering our roots and enriching our contemporary emergence. It will provide platforms for reimagining the nation.”

Nakasalaysay pa sa pahayag ng NPF na magiging sentro ng pagtatanghal at sining ang nasabing parke para maging game-changer sa pagunlad lalo na sa “inclusive growth for national development.”

Plano rin ng ahensya na dito muling makikilala ang Filipino history, art, culture at natural heritage. Magkakaroon din ng iba’t ibang programa gaya ng “Umpukan sa Nayon” at “Ang Ating Nayon” kung saan iimbitahan ang mga literary at visual artists.

Noong 2007 ay binuksan ang Nayong Pilipino sa Clark Expo sa Clark Freeport Zone sa Pampanga ngunit hindi napansin hanggang sa muli itong idinevelop at binuksan bilng Nayong Pilipino Clark noong 2014.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...