outbrain
Good Vibes

Honest tricycle driver ng Bulacan hinangaan

By: - 01/08/2020

Photo: Facebook/ Vincent Badillo

ANGHEL na walang pakpak kung ituring ng netizen na si Vincent Badillo ang tricycle driver na si Danilo Aderiano ng Meycauayan, Bulacan.

Bakit hindi? Ipinamalas ni Aderiano ang katapatan matapos na magsauli ng naiwang cellphone ng kanyang pasahero.

Pagbabahagi ni Badillo, hindi siya ang nawalan kundi ang pasahero ng tsuper na sumakay noong Dec. 28, 2019. Naikwento lang sa kanya ng matanda ang pangyayari upang matulungan siya na mahanap ang may-ari ng gadget.

Dahil sa viral Facebook post ni Badillo na makailang ulit nang ni-repost, naisauli na noong Jan. 5 ang Iphone ng pasaherong nakaiwan nito.

“Pero hindi tungkol sa akin ang post na ito. Tungkol ito kay Tatay Nilo at kung bakit dapat i-celebrate ang ginawa at mabubuting ginagawa niya,” sabi ni Badillo. “Marami ang pag-i-interesan ang mga gamit na naiwan para sa sariling kapakanan habang si Tatay Nilo ay gumagawa ng paraan para ibalik sa may-ari ang gamit na naiwan. Pambihira. Dapat siyang tularan.”

Maraming beses na rin palang nakagawa ng kabutihan si Aderiano.

Hindi na umano mabilang ang nakaiwan ng cellphone sa kanyang tricycle pero kailanma’y hindi niya ito pinaginteresan. Nakapagsauli na rin siya ng wedding ring at kailan lang ay hinatid niya ang lasing na babae sa bahay nito upang makauwi ng ligtas nang walang bayad.

Para kay Badillo, “bago pa man matapos ang 2019 ay pinayagan pa ako ng Lord na makasalamuha ng isa na namang anghel na walang pakpak.”

Ang sigaw ng madlang pipol sa kabaitan ni Aderiano: Sana all!

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...