BAGONG taon, bagong ikaw, sabi nga nila. Panahon na upang iwan ang mga toxic na ugali na ipinamalas noong nakaraang tao at simulan ang 2020 na puno ng good vibes.
Kung hindi ka naman sure kung saan ka magsisimula, subukan mo na lang pumulot dito sa New Year, New Me resolutions para sa taong ito.
1. Charity
Kung nakatanggap ng sangkaterbang regalo nitong 2019, hindi kaya magandang suklian mo naman ito. Pay it forward nga raw! Maraming paraan para makapagbalik ng mga biyaya. Mag-adopt ng charity na susuportahan. Maaaring charity sa mga batang lansangan, mga disabled, mga seniors at iba pa. Take note, hindi lang naman monetory ang pwede mong ibigay kung hindi oras mo at panahon sa pamamagitan ng pag volunteer.
2. Be environment friendly
Iwasan na rin ang pagiging makalat. Simulan ang 2020 sa pagbawas ng iyong carbon footprint. Tumangkilik ng mga recyclable and reusable goods tulad ng metal straws, bamboo toothbrushes at iba pa. Iwasan ang single use plastic. Sa pag-go-grocery, magdala na ng bayong o mga reusuable bags. Laking tulong ito sa ating kalikasan.
3. Mag-offline
Mataas ang level ng bad vibes sa social media kaya dapat may panahon ka para mag-recharge. Ayain ang pamilyang magbonding. Bumili ng mga card games o board games. Makipagkwentuhan sa mga kaibigan na hindi hawak ang mga selpob. Sabi nga di ba ni Pope Francis sa kanyang sermon nitong mga nakaraang araw kapag nasa hapag kainan, makipag-usap sa iyong mga mahal sa buhay at huwag gumamit ng cellphone. Magandang magtakda ng oras o araw na completely detach ka sa online world.
4. Travel more
Dapat hindi matapos ang taong ito nang wala kang napupuntahang lugar na hindi mo pa nakikita at natututo ng bagong kultura. Hindi mahalaga kung iyan ay local o international travel. Ang mahalaga, makatanaw ng ibang tanawin, makalanghap ng ibang hangin at makakain ng ibang pagkain, at makasaksi ng ibang kultura.
5. Watch more Pinoy films
Ngayong taon magsisimula ang kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival. Bukod pa dyan sa kalagitnaan ng 2020 naman magaganap ang Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino. Hindi masamang tangkilikin ang sarili nating mga pelikula.
6. Mag ‘ipon challenge’
Huwag ka nang mainggit sa mga nagshare ng ipon challenge nila sa pagtatapos ng 2019. Simulan na ang sariling ipon challenge para ikaw naman ang trending.
7. Support local
Bawasan na ang pagtangkilik sa mga international brand. Suportahan ang sariling atin sa pamamagitan ng pagbili sa mga local and small and medium enterprises na truly Filipino made.