
Photo: Pepper Evanna/ Twitter
MAPANGANIB sa kalusugan makalanghap ng abong ibinuga ng Taal Volcano.
Ayon sa mga health experts, pupuntiryahin ng ash particles ang respiratory system kung kaya’t delikado ito sa mga may respiratory illnesses kagaya ng asthma, bronchitis at emphysema. Maaari ring magkaroon ng allergic reacton ang katawan.
Kahapon ay nag-panic buying ang mga tao sa face masks. Nagakaubusan sa mga tindahan at ang masakit pa riyan, sinamantala ng ilan ang pagakakataon para makapanlamang sa kapwa sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga masks ng higit sa suggested price.
Ngunit ibahin niyo ang viral good samaritan behind his mask na ang goal ay matulungan ang ibang tao na pangalagaan ang kalusugan kahit sa simpleng paraan.
Walang bayad niyang ipinamigay ang surgical face masks base sa tweet ni Pepper Evanna.
“This guy giving free mask while stores hiked up their prices…good job juya..God bless you,” aniya sa Twitter post ay mayroon nang more than 400 retweets at less than a thousand likes as of posting time. Ngunit patuloy na kumakalat sa social media ang happy news na ito sa kabila ng kalamidad.
This guy giving free mask while stores hiked up their prices… good job kuya.. God Bless you. #TaalEruption2020 #TaalVolcanoEruption #goodsamaritan #TaalAshfallWatch pic.twitter.com/vtKpnPBdYG
— Pepper Evanna (@pepperevanna) January 13, 2020
Walang ibang masabi ang Twitter warriors kundi ang saluduhan kung sino man ang hero na ito in his white mask.