outbrain
Good Vibes

Taal tales of heroism: Van driver nagsilbing ‘rescuer’

By: - 01/13/2020

Si Angelo Bernardo Cerveza (naka-thumbs up) kasama ang ilan sa kanyang isinakay na stranded passengers. Photo: Angelo Bernardo Cerveza/ Facebook

WALANG pag-aatubiling isinantabi ni Angelo Bernardo Cerveza ang kikitain sana sa biyahe para makatulong sa higit na nangangailangan.

Kasama ang mga kaibigan sa private transport van rental, pinili niyang magsilbi sa kapwa bilang “rescuer.”

Kaninang umaga niya sinimulan ang pagsundo’t hatid sa mga na-trap na residente at stranded passengers sa Talisay, Batangas. Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy sa paglibot sa mga bayang malapit sa Taal Volcano ang good samaritan driver.

Hindi lingid sa kaalaman na maraming turista sa lugar lalo’t Linggo nang maganap ang pagsabog ng Bulkang Taal. Kaya’t marami ang hindi basta nakaalis gayundin ang mga nakatira sa mga bayang nakapalibot sa Taak Lake.

Kung bakit niya ito ginawa ng walang alinlangan, ang kanyang tugon: “Bilang tao,” sabi ni Cerveza sa exclusive interview ng Inquirer Libre. “Parang kailangan nila ng tulong, ramdam ko yung hirap nila.”

Nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga kasamahan, anim na driver pa ang nag-volunteer upang masigurong maihahatid ng ligtas ang mga pasahero. May dadagdag pa sa kanyang mga kasamahan mamayang gabi, aniya.

“Yung mga nakikita naming naglalakad isinasakay rin namin,” dagdag ni Cerveza. “Naka-post na rin sa Facebook yung tungkol dito kaya tinatawagan ko mga kasamahan ko, dine-disseminate ko sa kanila.”

Kuwento niya, inihahatid nila ang mga naisasakay sa ligtas na lugar, sa kanilang mga kamag-anak o sa evacuation centers matapos sunduin.

Halos hindi na umano niya mabilang kung ilang pasahero na ang kanyang naisakay simula kaninang umaga. Ang kanya na lamang natatandaan ay ang abot-tengang ngiti at buong-pusong pasasalamat ng mga tao sa kanyang kabayanihan.

Para sa kanya, sapat nang kabayaran ang makitang maginhawa ang kababayan at mailigtas sila sa kapahamakan.

“Masaya, masaya walang katumbas na halaga,” aniya.

Sinabi rin ni Cerveza na gagawin niya ang lahat upang makatulong sa abot ng kanyang kakayanan. Sa mga may kakilalang stranded pa rin hanggang ngayon, maaaring tumawag sa 09063830044 (Globe) o 09227806546 (Sun Cellular).

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...