outbrain
Good Vibes

6 things we learned from ‘Taal’

By: - 01/18/2020

SA isang banda, maganda man o pangit, may aral na itinuro sa bawat isa ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Narito ang anim na bagay na nagmulat sa kamalayan ni Juan matapos ang sakunang ito.

1. Uso pa ang bayanihan

Photo: Mary Ann Mantuano/ Facebook

Kahit sino man, mahirap o mayaman, bata o matanda lahat gustong makapagbahagi maging sa simpleng paraan.

May mga namigay ng masks, nagpakain, nag-abot ng relief goods, naglinis ng sasakyan, nagkusang sumundo sa stranded passengers at nagpangiti sa mga biktima dahil sa kabutihang loob.

Pati ang ibang local government units na malayo na sa probinsya ng Batangas ay nagpahatid din ng trak, trak na basic commodities.

Namutawi ang pagtutulungan sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at nanaig ang pagmamahal sa kapwa tao.

2. Pinoy could still laugh

Wala talagang papantay sa fighting spirit ng mga Pinoy kahit sa panahon ng sakuna. Sa halip na magmukmok, nakahahanap sila ng source of joy para makayanan ang problema.

Isa sa mga naghatid ng good vibes ang viral video kung saan mapapanood ang magkaibigan sa Silang, Cavite na sumasayaw pa ng patok na patok na “Tala” ni Sarah Geronimo habang naglilinis ng bubong na napuno ng abo.

Nariyan din ang nakatutuwang “fashion show” sa evacuation sites nang suotin ng mga bakwit ang iba’t ibang damit na ipinamigay sa kanila. Mula sa mga donated na gown, tuxedo, barong, formal polo, slacks, security guard uniform, girl scout uniform hanggang sa fast food uniform ay talagang kinatuwaang ipinamporma ng mga evacuees.

3. People risk their lives just to help

Buwis buhay ang ginagawa ng mga emergency response personnel bilang pagsunod sa tawag ng tungkulin.

Sariling buhay ang itinataya para sa buhay ng iba, walang takot na sinusuong ng mga pulis, rescuers, sundalo, bumbero, coast guard at medical professionals ang peligro upang mailigtas ang iba.

Ngunit hindi lang sa kanila umiikot ang istorya ng kabayanihan, kahit ang mga normal na mamamayan ay sumusugal din.

Nakalulungkot ang sinapit ng tatlong estudyante na namatay sa car crash matapos maghatid ng tulong. Maaga nilang nilisan ang mundo para mabuhay ang iba ngunit nakatatak na sa kasaysayan ang kanilang kadakilaan.

4. We love animals, too

Lumabas ang natural na kalambutan ng puso ng tao sa mga hayop. Kabi-kabilang panawagan ang nagtulak sa volunteers na tumulong sa pag-rescue ng mga hayop na na-trap sa volcano island.

Pets o livestock man ay sama-samang sinaklolohan. Daan-daang aso, pusa, baka at kabayo ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

Sako-sakong animal food ang ipinamahagi ng mga good samaritan gayundin ang pagbibigay ng shelter sa mga rescued animals.

Isa sa mga animal advocate groups na nanguna sa rescue mission ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS.

5. There are people who rejoice over others’ misery

Sa kabila ng mga makatunaw-pusong istorya ng kabutihan, lilitaw at lilitaw ang kasamaan.

Alam na ngang dumaranas ng problema ang kababayan, sinamantala pa ng ilang mga gahamang negosyante ang trahedyang ito.

Nagbenta ng face masks na sobra sobra ang presyo upang kumita at hindi rin mawawala ang pamumulitika ng mga “epal” na government officials na nagpapabango ng pangalan.

6. Always be prepared

Hindi naman lihim na kahit anong oras ay maaaring magkaroon ng natural calamities gaya ng volcanc eruption lalo na sa Pilipinas.

Ang bansa ay pasok sa Pacific Ring of Fire kung saan aktibo ang lindol at mga pagsabog kaya hindi mapipigilan ang mga ito. Ang tanging magagawa ay ang paghandaan ito sa lahat ng pagkakataon.

Matagal nang ibinabalita ang tungkol sa “Big One” o isang napakalakas na lindol na walang nakaaalam kung kailan darating. Dahil sa mga likas pangyayaring ito, maiging sundin ang payo ng mga otoridad at eksperto.

Makatutulong ang pagkakaroon ng mga ready-to-go emergency bags na naglalaman ng survival kits na tatagal ng hanggang tatlong araw. Karaniwang bottled water, easy open canned goods, energy bar, flashlight, first aid at sanitary kits ang laman nito.

Dapat ay alam din ang designated evacuation centers ng inyong local government at doon magkita-kita sakaling magkahiwa-hiwalay ang mag-anak.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...