outbrain
Good Vibes

‘Manila’ at 5 other songs ng Hotdog na nagpakilig sa batang 70s

By: - 01/20/2020

KUNG wala si Dennis Garcia at Rene Garcia hindi maluluto ang ‘Hotdog’ at hindi rin iingay ang Manila Sound- ang authentic Filipino sound na humuli sa kiliti ng sambayanan mahirap man o mayaman noong Dekada ’70.

Binuo ng magkuya noong 1972, naging bahagi na ng sayawan o kahit anong masayang pagdiriwang mula noon ang mga awitin ng pop-disco-funk group. Ang babae namang kumakanta ng masarap sa tengang love songs ay si Ella del Rosario.

Sa kanilang sweet and lively music unang nainlab at naki-party sila nanay, tatay, lolo at lola.

Lalong umingay ang pangalan ng banda nang nag-hit ang “Manila.” Kuhang-kuha ng kanta ang atensyon ng madla sa pagkakaroon nito ng feel-good rhythm and melody na pinatungan pa ng catchy lyrics na nagpapakita ng pagmamahal  sa pinagmulan kahit pa makarating saan mang dako ng daigdig.

Ginawan din ng ibang twist ni Gary Valenciano at Eraserheads ang “Manila” hanggang sa muli itong bumida nang maging opening song sa 30th Southeast Asian Games na idinaos sa bansa noong nakaraang taon.

Hindi matatawaran ang iniwang pamana ng Hotdog sa Original Pilipino Music (OPM) industry. Isa ang banda sa mga naging inspirasyon ng mga sumunod na henerasyon ng mga musikero.

Ipinagluluksa ng Philippine music scene ang pagpanaw ng bassist na si Dennis sa edad na 69 kamakailan. Ang kanyang kapatid naman na si Rene na lead vocalist ay namaalam noong Sept. 2018 dahil sa cardiac arrest.

Nawala man sa mundong ibabaw ang pionner members ng legendary band ay hindi na matitibag ang pundasyong kanilang binuo upang maipalaganap ang distinct Manila Sound at ang Pinoy music pride.

Hindi lang tungkol sa “Manila” ang Hotdog, narito ang lima pa sa kanilang napakaraming kantang tumatak nang todo.

1. Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko (2005)

“Aanhin ko ang ganda ng iba maduduling lang ang aking mga mata, butas pa ang bulsa.”

Mga letra pa lang, siguradong kikiligin ang sinumang babaeng kakantahan nito. Sinasabi ng kanta na wala nang hihigit at mas gaganda pa sa iyo in the entire world, the universe rather.

2. O Lumapit Ka (1996)

“Kung gusto mo akong halikan ba’t kita sasawayin?”

Nangaakit ang tunog at walang halong pagpapabebe. Para ito sa mga girls na bet na bet ang kanilang mga crush.

3. Pers Lab

“Di na makatulog ‘di pa makakain, tagyawat sa ilong pati na sa pisngi sa kakaisip sa iyo tagyawat dumadami.”

Ito ang theme song noon ng mga first time ma-fall. Silang mga nakaramdam ng “butterflies in their stomachs” kapag nakikita ang kanilang mga iniirog.

4. Annie Batungbakal

“Mga problema niya’y kanyang nalilimutan ‘pag siya’y yumuyugyog, sumasayaw.”

After working at day, it’s time to party at night! Stress-reliever ang kanta with its upbeat theme. Pero ang lesson sa kantang ito ay ang tamang time management. At the end kasi, natanggal sa trabaho si Annie kaka-disco.

5.  Bongga Ka ‘Day

“Sige lang, sige lang, itaas ang kilay.”

Talaga namang nakabubuhay ng dugo ang beat nito at hindi mapipigilan ang sarili na mapaindak. Ikinukuwento sa lyrics ang bonggang pagyaman ng bida dito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...