outbrain
Balitang Commute

LTFRB-TWG kumurap; motorcycle taxi na papayagan itinaas sa 15K

By: - 01/22/2020

MATAPOS irekomenda na ititigil, itinaas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Technical Working Group for Motorcycle Taxi sa 15,000 biker cap kada service provider.

Ayon kay TWG chairman at LTFRB Commissioner Antonio Gardiola Jr., na ito ang napagkasunduan sa pagpupulong Martes ng gabi.

Ang Angkas, JoyRide at MoveIt ay magkakaroon ng hanggang tig-15,000 rider sa Metro Manila mula sa 10,000. Mananatili naman sa tig-3,000 ang cap sa Metro Cebu at sa Cagayan de Oro.

Iaatras naman ng mga service provider ang lahat ng kaso na isinampa nito laban sa LTFRB-TWG upang maayos na makapagpatuloy ng pag-aaral sa motorcycle taxi at makapagrekomenda ito ng kinakailangang batas sa Kongreso.

“We agreed that all cases filed against the TWG will be withdrawn. They agreed on that. And during the period of the study, no cases will be filed, constraining the TWG on some aspects, especially on the guidelines. And another thing is that we agreed to a cap, that there must be a cap,” ani Gardiola.

Naghain ang Angkas ng kaso laban sa LTFRB-TWG upang harangin ang paglalagay ng cap at suspendihin ang pagpapapasok ng dalawang bagong service provider.

Noong Lunes ay sinabi ng LTFRB-TWG na inirekomenda nito na tapusin na ang pilot implementation dahil sa mga paglabag at kasong isinampa laban sa kanila dahil hindi umano ito makapagsagawa ng maayos na pag-aaral.

Agad din namang kumambyo ang LTFRB-TWG at isang pulong ang ipinatawag noong Martes na pinangunahan ni Transportation Sec. Arthur Tugade.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...