outbrain
Balita

Pinoy nurse na gustong mag-US dumami, Germany at Saudi nagre-recruit na

By: - 01/26/2020

TUMAAS ang bilang ng mga Filipino nurse na kumuha ng licensure exam sa unang pagkakataon para makapagtrabaho sa Estados Unidos noong 2019, ayon sa ACTS-OFW Coalition of Organizations.

Ayon kay ACT-OFW Rep. Aniceto Bertiz III ito ay mas mataas sa 10,302 na naitala noong 2018.

“We see America’s demand for Filipinos nurses steadily increasing in the years ahead,” ani Bertiz.

Ayon sa datos ng U.S. National Council of State Boards of Nursing Inc. may 1,541 Indians, 1,171 Puerto Ricans, 834 South Koreans at 901 Nigerians na kumuha rin ng NCLEX noong nakaraang taon.

Mula 1995 ay 206,045 Filipino nurses na ang kumuha ng NCLEX hindi kasali dito ang mga repeater.
Ayon sa U.S. Department of Labor tinatayang 371,500 nurse ang kanilang kakailangan mula ngayon hanggang 2028.

“Most of these new jobs will be filled by U.S.-educated nurses, but some of them will have to be filled by Filipino and other foreign-educated practitioners,” ani Bertiz.

Sa datos ng U.S. Bureau of Labor Statistics, ang average na sahod ng nurse ay $71,730 o P3.5 milyon kada taon, o $34.48 (P1,714) kada oras.

Samantala, nagsimula na ang German Federal Employment Agency sa pag-recruit ng 550 Filipino nurse na kailangang sumailaim sa German language training.

Ang mga kukunin ng Germany ay magtatrabaho sa mga ospital at inpatient nursing homes. Sila ay sasahod ng 2,000 euros (P111,000) kada buwan. Kapag naging qualified nurse ay tataas ang sahod sa 2,400 euros (P133,000).

Nagsimula na ring mag-recruit ang Ministry of Health of the Kingdom of Saudi Arabia para sa 1,500 na kailangan nilang Filipino nurse.

Ang sahod na alok nito ay 4,110 riyals (P54,500), kada buwan at dagdag na 295 riyals (P3,900) sa bawat taon ng experience. Ang mga ito ay libre sa pagkain at tirahan at libreng round trip airline ticket sa taunang bakasyon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...