Sports

Life well played: 24 things that made him THE Kobe Bryant

By: - 01/27/2020

Photo: AFP

NAGLULUKSA hindi lang ang sports world kundi ang buong mundo sa pagkawala ng basketball legend na si Kobe Bryant.

Bumabaha sa social media ang pagbibigay pugay sa isa sa pinakamahusay sa kasaysayan ng NBA. Basketball fans man o maging simpleng tao na nakakakilala sa kanya ay nalungkot sa masamang balita.

Masakit ang maagang pagpanaw ng “Black Mamba” pero hinding-hindi mabubura ang matatamis na alaala na kanyang ipinamana, isang inspirasyon para sa lahat nang tumitingala sa kanya.

Kinalap namin ang 24 na bagay na bumuo sa legacy ng nag-iisang Kobe Bryant.

1. Pinili bilang 13th overall pick ng Charlotte Hornets noong 1996 Draft ngunit ipinamigay sa Los Angeles Lakers at sabi nga, the rest is history.

2. Two- time Olympic gold medalist noong 2008 Beijing at 2012 London Olympics.

3. 1st NBA player na gumawa ng 50 puntos o mahigit pa sa kanyang huling laro sa liga.

4. Siya ang ikaapat sa all-time scoring list na may 33, 643 puntos. Bago ang aksidente, naungsan na siya ni Lebron James (33,655).

5. Pitong beses bumisita sa Pilipinas mula 1998 hanggang 2016.

6. Isinunod ang kanyang pangalan sa famous beef steak ng Kobe, Japan.

7. 18-time NBA All-Star (1998, 2000-2016) kung saan apat dito ay itinanghal siyang MVP (2002, 2007, 2009, 2011).

8. Nagkampeon ng limang beses (2000-2002, 2009-2010) at dalawang beses na nag-Finals MVP (2009 at 2010).

9. 2008 Most Valuable Player.

10. Hindi lang magaling sa opensa, siyam na beses ding napili para sa All-Defensive First Team. (2000, 2003, 2004, 2006-2011) at tatlong beses sa All-Defensive Second Team (2001, 2002, 2012).

11. Sa kanyang farewell game noong April 13, 2016, umiskor siya ng 60 puntos.

12. May career-high 81 points na itinala taong 2006 laban sa Toronto Raptors. Ito ang second highest sa kasaysayan ng NBA kasunod ng 100 puntos ni Wilt Chamberlain.

13. Ang tambalan nila ni Shaquille O’Neal ang isa sa pinakaminahal na NBA tandem.

14. Hinango niya ang playing style sa idolong si Michael Jordan lalo na ang fall-away jump shot.

15. Kagaya naman ni Lebron James, pagka-graduate sa Low Merion High School ay nakapasok agad sa NBA. Si Kobe ang first-ever guard mula high school na nakapaglaro sa NBA.

16. Dahil sa kasikatan, naging cover athlete ng walong video games (Kobe Bryant in NBA Courtside, NBA Courtside 2: Featuring Kobe Bryant, NBA Courtside 2002, NBA 3 on 3 Featuring Kobe Bryant, NBA ‘07: Featuring the Life Vol. 2, NBA ‘09: The Inside, NBA 2K10, NBA 2K17)

17. Ikinasal siya kay Vanessa Laine Bryant noong 2001 at nagkaroon ng apat na anak- Natalia Diamante, Bianka Bella, Capri Kobe at si Gianna Maria na nasawi rin sa aksidente.

18. Sa Italy niya ginugol ang childhood days dahil doon naglalaro ng professional basketball ang amang si Joe. Natutong magsalita ng Italian at maglaro ng soccer.

19. Nanalo siya ng Academy Award for Best Animated Short Film sa pelikulang “Dear Basketball” noong 2018.

20. Sa edad na 34 years and 104 days, siya ang youngest player na makaabot sa 30,000 points mark.

21. Bakit “Black Mamba”? Nang mapanood ang pelikulang “Kill Bill” ni Quentin Tarantino, ito ang ginawang nickname ni Kobe para sa kanyang sarili. Katulad ng nasabing uri ng ahas na kilala sa agility at aggressiveness, code name ito para sa deadly assassin.

22. Bakit naman 8 at 24 ang kanyang jersey numbers? Sa report ng ESPN, sinabi ni Kobe na ang 8 ay “to prove himself” at ang 24 naman na kanyang pinalitan sa 2006-2007 ay nangangahulugang “growth.”

23. Back-to-back scoring champion (2006-2007).

24. Nag-alay naman ang NBA teams na naglalaro nitong Lunes (Philippine time) ng tribute gamit ang number 24 at 8. Pare-parehong gumamit ng 24-second shot clock violations ang labanang San Antonio Spurs-Toronto Raptors, Boston Celtics-New Orleans Pelicans at New York Knicks-New Jersey Nets sa kani-kanilang first possessions.

Ganito rin ang pagpupugay ng Los Angeles Clippers-Orlando Magic, Atlanta Hawks-Washington Wizards at Memphis Grizzlies-Phoenix Suns games at ilan sa kanila ay ginamit din ang 8-second backcourt violation.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...