outbrain
Column

Employer na di nagbabayad ng SSS, PhilHealth lagot!

By: - 01/28/2020

“MAGANDANG hapon po sir!

Ako po si Mr. V. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho sa isang bakery. Halos 10 taon na po ako rito.

Una po akong na-assign ng boss ko sa Jolo at the age of 14. After five years, lumipat po kami dito sa Zamboanga dahil sa binaril ng armadong kalalakihan ang mga kasamahan ko.

Noong March 2019 lang po ako nila hinanapan ng birth certificate para ma-aplayan ng SSS at PhilHealth.

Tama po ba na kailangan muna akong umabot ng eight years and 3 months sa kanila bago hanapan ng birth certificate para sa aking SSS at PhilHealth. Higit 40 po kaming empleyado rito. Iilan lang sa amin ang may SSS at PhilHealth.

Ang OT (overtime) ay without pay, stay in po kami,

Sana matulungan n’yo po kami. Para po sa siguridad, wag na po ninyong banggitin ang pangalan ko. Salamat po and God bless.”

Iyan po ay isang text na natanggap natin kamakailan at nagku-complain tungkol sa kanyang employer.

Maraming salamat sa text mo Mr. V.

Malaking mali ng employer mo na umabot pa ng eight years and 3 months bago ka ipasok sa SSS at Philhealth. After six months pa lang dapat sa trabaho, binabayaran na ng employer mo ang iyong PhilHealth, SSS at Pag-ibig kada buwan.

Ang maari mong gawin, kaagad na pumunta sa SSS, Philhealth at Pag-ibig na malapit diyan sa inyo at i-verify kung on-time na binabayaran ang mga ito. Kausapin mo rin ang SSS kung pwedeng bayaran ng employer mo sa SSS ang nakalipas na 8 taon na hulog kahit na installment.

Maaari mo rin ireklamo sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ang employer mo hinggil dito, kaya lang baka pag-initan ka ng employer mo at tanggalin ka sa trabaho.

Pero maaring pakiusapan ng SSS ang employer mo na installment na lang ang bayaran hanggang sa makumpleto nya ang walong taon.

Ang SSS, Philhealth at Pag-ibig ay mga batas upang tulungan na umasenso ang mga manggagawa.

Kung hindi hinuhulugan ng employer ang mga ito, dapat silang managot sa batas. Kapag may ireklamo na non-remittance laban sa kanila, mas malaki pa ang babayaran ng employer. Ganon din sa Philhealth at Pag-ibig.

***
Meron ba kayong nais isumbong sa amin tungkol sa mga pang-aabuso sa inyong mga pinapasukang tanggapan o pabrika? Maaari kayong mag-text sa 09989558253, at susubakan naming sagutin ang mga iyan. Salamat po.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...