outbrain
Balitang Commute

Riders ng Angkas, iba pa pinasusumite ng TWG

By: - 01/29/2020

ITINANGGI umano ng Angkas na driver nito ang nasawing rider sa isang aksidente sa Cebu City kamakailan.

Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ni Antonio Gardiola, commissioner ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at hepe ng Technical Working Group on Motorcycle Taxi, na itinanggi ng Angkas na driver nito si Gerry Boy Chavez na nasawi kasama ang pasaherong si Jessa Biola.

Wala umanong mapagbasehan ang TWG kaya pinagsusumite na ng listahan ng mga driver ang Angkas, JoyRide at MoveIt.

Sinabi ni Gardiola na mayroong mga habal-habal na nagpapagawa ng uniporme at helmet ng Angkas para hindi mahuli.

Si Chavez ay nakasuot ng uniporme ng Grab.

Ipinunto naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo na dapat payagan ang isang rider na magparehistro sa anumang transport network company kung saan nais nitong bumiyahe.

Ang multiple homing ay katulad umano ng four-wheeled TNCs gaya ng Grab. Ang driver ay nagpaparehistro sa LTFRB at maaaring mamili kung sa Grab o iba pang TNC magpapa-accredit.

Sa kasalukuyan ang mga rider ay nagpapa-accredit sa isang TNC lamang.

Sinita naman ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang TWG dahil hindi umano nito ginagawa ang kanilang trabaho.

Aniya, kung ibabatay ang pag-aaral sa ulat na isusumite ng Angkas, JoyRide at MoveIt, hindi magsasabi ng totoo ang mga ito dahil mawawalan sila ng negosyo.

Sinabi ni Erice na “bias for players” ang TWG nang itaas nito ang cap sa 15,000 dahil ang may gusto nito ay ang Angkas na umaangal dahil nilimitahan sila sa 10,000 rider sa extended pilot implementation.

 “Dapat may konkretong basehan at hindi lamang dahil gusto nila (TNCs),” ani Erice.

 Dapat umanong maglagay ng bantay ang TWG sa mga TNCs para malaman kung ano ang totoong nangyayari.

Sinabi naman ni Gardiola na mayroon silang mga mystery passenger upang makita ang serbisyo ng mga TNC.

Pinagsusumite rin ng komite ang TWG ng lingguhang ulat nito kaugnay ng isinasagawang pilot implementation.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...