outbrain
Good Vibes

5 bad news na sumalubong (pero nagpatibay) sa Pinoy ngayong Enero

By: - 01/31/2020

Photo: AFP

ISA lang naman ang panalangin ng sambayanang Pilipino sa buwan ng Pebrero, ito ay ang maging lighter naman ang  rest of the year kasunod ng mga pangit na pangyayaring bumungad sa bagong taon.

Sunod-sunod na pagsubok ang kinaharap ng buong mundo na nakaapekto rin sa Pilipinas sa buwan ng Enero.

Pagkabigla, lungkot at takot ang hatid ng mga ito kaya naman everyone’s hoping for brighter days. Ito ang limang January bad news na gumising sa bawat isa.

Photo: AFP

Australia bushfires

Sa pagpasok ng 2020, patuloy na tinutupok ng bushfires ang Australia magmula ang serious uncontrolled fires noong June 2019. Daan-daang sunog ang sumiklab sa southeast part ng kontinente.

As of January 14, umabot na sa 18.6 million hectares ang dinilaan ng apoy kung saan mahigit 2,000 kabahayan ang nadamay at kumitil ng 34 katao.

May 1.25 billion animals na rin ang namatay sa bushfires kabilang na ang kangaroos at koalas.

Umigting ang panawagan ukol sa climate change at global warming awareness kasunod nito.

Photo: AFP

USA-Iran conflict

Nagbadya ng “World War III” ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran matapos iutos ni US President Donald Trump ang assassination kay Iran top general Qasem Soleimani upang “pahintuin na ang giyera” sa pagitan ng dalawang bansa.

Nangyari ito kasunod ng impeachment trial kay Trump. Ayon sa report ng CNN, ang alitang US-Iran ay 40 taon nang umiiral.

Si Soleimani ang makapangyarihang head commander ng Islamic Revolutonary Guard Corps (IRGC), isang sangay ng Iranian Armed Forces (IAF) at nakalaang pangalagaan ang “Islamic republic political system” ng Iran. Ngunit para sa Amerika, isang terrorist organization ang IRGC.

Nasawi si Soleimani sa targeted drone strike noong January 3 sa Baghdad, Iraq. Sa kanyang libing noong Jan. 7, gumanti ang Iranian military ng missile launches sa US bases sa Iraq.

Malaki ang naging epekto nito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na naghahanapbuhay sa Middle East.

Dahil sa tensyon, iniutos ng Department of Foreign Affairs ang mandatory repatriation ng OFWs sa gitang silangan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Nakaapeko ito sa ekonomiya ng Pilipinas dahil humina ang OFW remittances at nawalan sila ng kabuhayan para sa kani-kanilang mga pamilya.

Photo: Inquirer

Taal Volcano eruption

Small but terrible. Ikinagulat ng marami ang biglaang pagsabong ng Bulkang Taal nitong Jan. 12.

Sino ba kasing mag-aakala na ang mapang-akit na tourist attraction ay maghahatid ng delubyo.

Nakataas na ang Alert Level 2 sa bulkan mula pa noong isang taon ngunit itinodo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang status dahil sa matinding pag-aalburoto nito.

At nangyari nga ang ikinatatakot ng marami nang tuluyang nag-phreatic eruption ang Taal.

Nagbuga ng nakasusulasok na abo ang bulkan na nagdulot ng makakapal na ashfall sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, South at North Luzon.

Libo-libong kabahayan ang sinira ng pagsabog. Maging ang mga negosyo sa Batangas at Cavite partikular na ang may kinalaman sa agriculture and fisheries ay nalugi.

Ngunit sa trahedyang ito mas lumabas ang Pusong Pinoy. Hindi mabilang na kwento ng pagtutulungan, pagmamalasakit, pagmamahal at bayanihan sa kapwa ang nangibabaw sa oras ng pangangailangan.

Photo: AFP

Kobe Bryant death

Ikinabigla ng buong mundo ang biglaang pagpanaw ni basketball legend Kobe Bryant nitong Jan. 27.

Patungo sana sa kanyang Mamba Academy ang Los Angles Lakers star subalit nag-crash ang sinasakyang private helicopter. Nasawi maging ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa.

Nagluksa ang sports world sa pagkawala ng isang icon. Dito sa Pilipinas na kilala bilang basketball-loving nation ay bumuhos ang pakikiramay at pagpupugay kay Kobe sa kahit anong paraan.

Bakit hindi? Pitong beses siyang nagpabalik-balik sa bansa mula 1998 hanggang 2016 kaya naman labis na minahal ng mga Pinoy ang NBA great.

Naging realization para sa marami ang sudden death ni Kobe na dapat lasapin ang buhay dahil maikli lang ito at walang nakaaalam kung hanggang kailan ka mananatili sa mundo.

Photo: AFP

Novel Coronavirus (nCoV)

Hindi pa nga tuluyang nakaka-move on ang mga Pinoy sa Taal, heto’t nagkakaubusan na naman ng face masks.

Admit it or not, on a panic mode ang nakararami matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Isang 38-year old Chinese woman na bumiyahe mula Wuhan, China patungo sa Pilipinas ang carrier ng sakit. Ang siyudad ng Wuhan sa Hubei province ang epicenter ng nCoV kung saan nasa 170 na ang namatay at libo-libong katao ang infected.

Sa ngayon, panawagan ng DOH na maging kalmado at maging alerto sa paligid. Maiging sundin ang mga pamantayan, manatiling malinis sa katawan at malakas ang resitensya upang hindi mahawa.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...