outbrain
Good Vibes

Bilang ganti sa sakripisyo ni nanay at tatay, regalong two-storey house mula sa mga anak

By: - 02/04/2020

Photo: PESO SENSE/ Facebook

SABI nga ng matatanda, makikita sa asal ng anak kung paano sila pinalaki ng magulang.

Sa kaso ng apat na magkakapatid na ito, siguradong maayos silang naitaguyod ng kanilang nanay at tatay para marating ang tagumpay na mayroon sila ngayon.

Inspirasyon ang hatid ng viral story na ibinahagi sa Facebook page na PESO SENSE kung saan proud na proud na ikinuwento ng isang anak ang hirap at sakripisyo ng kanilang mga magulang para maitawid ang kanilang pag-aaral.

Tricycle driver ang padre de pamilya habang mananahi ang ilaw ng tahanan, struggle is real umano ang takbo ng kanilang buhay noon para makaraos sa araw-araw.

“Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tiyaga, ayun lang ang maiiuwing pera,” sabi ng anak sa post. “Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.”

Nagbunga ang lahat ng kanilang pagsisikap at nakapagpatapos ng civil engineer, mechanical engineer, electrical engineer at Math teacher  ang mag-asawa.

Bilang ganti sa kanilang sakripisyo, niregaluhan sila ng two-storey house ng magkakapatid.

“At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay,” saad pa niya sa post. “Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na.”

#Sanaall ang nasambit ng netizens sa successs story ng pamilyang ito. Ang ilan naman, naka-relate dahil ganoon din daw ang kanilang mga pinagdaanan bago nalasap ang ginhawa.

Patunay lang na kung paiiralin ang pagsisikap at paniniwala sa pangarap, hindi imposibleng ma-unlock ang #goals sa buhay.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...