outbrain
Good Vibes

A second chance: Ex-lovers muling pinaglapit ng coronavirus

By: - 02/06/2020

Photo: AFP

KUNG may silver lining ang pagtama sa bansa ng novel coronavirus para kay Daniel Joseph Stone at “Tina”, ito ay ang pagkakataong mabigyan ng second chance ang kanilang love story.

Hangaring mapaibig muli ang ex-girlfriend, nagplano ang Amerikanong si Stone ng “grand vacation” kasama ang kanilang anak na babae. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, humadlang ang Wuhan coronavirus o 2019-nCov.

Imbes na sa masayang bakasyon ang punta, nauwi sila sa 14-day quarantine sa pagamutan.

Inilagay sa isolation ng isang government facility nitong Jan. 18 ang 36-anyos na professor sa Wuhan, China matapos na lagnatin at ubuhin. Si Tina, 23-anyos at hindi niya tunay na pangalan, naman ay pinayuhang manatili sa ospital matapos magkaroon ng contact sa “person under investigation” para sa nCov infection.

“He told me that we were supposed to have a grand vacation here in Tacloban City but ended up in a hospital instead,” sabi ni Tina sa panayam ng Philippine Daily Inquirer.

Noong una, umalma si Stone sa dalawang linggong pamamalagi sa ospital subalit kalauna’y naging daan pa ito para masolo nila ang isa’t isa at plantsahin ang gusot na namagitan sa kanila.

Second chance

August 2017 nang magkrus ang landas nina Stone at Tina sa pamamagitan ng online dating site. Nagtatrabaho noon ang lalaki sa Tacloban bilang online English teacher ng Chinese students.

Naghiwalay ang dalawa noong January 2018, limang buwan bago isilang ni Tina ang anak.

Nagtungo si Stone sa Davao noong November 2018 bago lumipad patungong Wuhan noong September 2019 para magturo. Pinagpatuloy niya ang financial support sa unica hija at dumadalaw-dalaw din ito.

Nitong nakaraang buwan, nagdesisyon siyang pumunta sa Tacloban at dalhin ang mag-ina sa Cebu at Bohol para magbakasyon.

Isang araw matapos dumating sa Pilipinas, nagpa-confine sa ospital si Stone nang makaranas ng ubo at lagnat.

Ayon kay Tina, hindi naging madali para sa ex-boyfriend ang sitwasyon. Mistula umano itong “bilanggo” kahit pa simpleng lagnat lang naman ang naranasan pero pagdaan ng ilang araw ay umayos din ang kanyang lagay kung saan isang doktor at nurse ang umagapay sa kanila.

“Bahala na si Lord”

Dahil silang dalawa lang ang madalas na magkasama, napag-usapan nila ang tungkol sa anak ngunit ilag naman sa kanilang relasyon.

Kahit na pinaglapit ng confinement ang ex-lovers, sinabi ni Stone na ipinauubaya na niya sa Diyos ang kanilang tadhana.

“That was the plan. But I put everything in God’s hands. If it’s meant to be, (it will happen). I love her because we have a daughter so there’s always love for her,” sabi ni Stone sa Inquirer.

Ayaw sabihin ni Tina ang nararamdaman niya ngayon at tanging “we are OK” ang tugon ukol sa kanilang relasyon ni Stone.

Pinalabas ang dalawa noong Feb.1 matapos masuring wala ng sintomas ng virus infection habang naka-quarantine.

Walang agarang plano si Stone na bumalik sa Wuhan na naka-lockdown pa rin hanggang sa oras na ito. Nais niyang manatili pa ng ilang araw sa Tacloban at tignan kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...