outbrain
Showbiz

Oppa of the Week: Kyuhyun-singer, actor, TV host

02/10/2020

IPINANGANAK si Cho Kyuhyun, o Kyuhyun noong February 3, 1988 sa Nowon-gu, Seoul, South Korea.

Nakilala siya bilang miyembro ng K-Pop boy group na Super Junior. Kasama rin siya sa mga sub-unit ng grupo na Super Junior na K.R.Y. at Super Junior-M.

Lumaki sa pamilyang nasa education business, law ang unang propesyon na balak niyang kunin sa paghimok na rin ng kanyang mga magulang.
Hindi ito natuloy nang sumali siya sa isang banda noong siya ay high school pa lamang. Dito niya nadiskubre ang kanyang talent at pagkahilig sa pagkanta.

Hindi sang-ayon ang kanyang ama sa kanyang naging desisyon ngunit kalaunan ay sinabi niyang tatanggapin niya ang desisyon ng anak kung makakapasok ito sa magandang unibersidad. Hindi naman niya binigo ang kanyang ama at nakapasok siya sa Kyunghee University, isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa South Korea.

Nagtapos siya ng bachelor’s degree at master’s degree sa Post-Modern Music sa nasabing unibersidad.

Siya ang pinakahuling miyembro na pumasok sa Super Junior noong 2006. Nag-debut ang Super Junior noong November 6, 2005. Una siyang lumabas sa kanilang title track na “U.”

Siya ang pinakaunang miyembro ng Super Junior na nagkaroon ng solo debut noong November 13, 2014 sa kanyang album na “At Gwanghwamun.”

Ito ay nasundan ng EP na “Fall, Once Again” noong October 2015, “Waiting, Still” noong October 2016, Japanese album na “One Voice” noong February 2017 at “The Day We Meet Again” noong May 2019.

Bukod sa pagkanta ay lumalabas din siya sa mga musical plays. Ang pinakahuli ay ang pagganap niya bilang Gwynplaine sa musical adaptation na “The Man Who Laughs” ngayong simula ng taon na mula sa nobela ni Victor Hugo na pareho rin ang pamagat.

Maaari siyang i-follow sa mga sumusunod na social media accounts: @GaemGyu sa Twitter na may 1.8M followers, @gyuram88 sa Instagram na may 1.2M followers at 규티비KYUHYUN sa YouTube na may 273K subscribers.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...