FAST paced ang buhay kapag nasa syudad. From work or school, gawaing bahay, trapik, toxic na social media at marami pang iba ang pwedeng magpa-stress sa iyo. Ang nakakalungkot diyan, kalahati pa lang ng araw pagod ka na.
Studies show that spending time in nature ay nakakatulong sa pag relieve ng anxiety, nagi-improve ng health at nabu-boost ang happy hormones sa iyong katawan.
But right in the middle of this concrete jungle saan nga ba tayo makakapag meditate with mother nature without leaving the city and spending much of your hard earned money.
Relax and visit some of these parks na pwedeng magpa-relieve sa iyong stress:
1. Ninoy Aquino Parks and Wildlife
Elliptical Rd, Diliman, Quezon City
Named after the Filipino hero Benigno ‘Ninoy’ Aquino, ang park na ito ay isang temporary shelter para sa mga rescued wild life ng Department of Environment and Natural Resources. Nagsisilbi itong pasyalan dahil sa daming puno na nakapaligid dito bukod sa mga cage para sa mga hayop at ibon.
2. Arroceros Park
659 A Antonio Villegas St, Ermita, Manila
Idineklara ito recently as a permanent forest park bilang “last lung of Manila”. Sa loob ng park nito ay may halos 3,000 puno with over 61 varieties, 8,000 ornamental plants at tirahan sa mahigit 10 species ng ibon.
3. La Mesa Eco Park
Lamesa Dam Compound, Greater Lagro, Quezon City
Picnic groves, butterfly haven, biking trails, swimming pools and more ang makikita mo sa La Mesa Eco Park, isang forest recreational park made for the family.
4. Tagalag Fishing Village
Valenzuela City
With only P60 para sa entrance fee, sulit na sulit ang pagtambay sa Tagalag Fishing Village, na may ponds kung saan may mga namumuhay na isda. Pwede ring mag-fishing dito at lahat ng mabibingwit mong isda ay pwedeng bilhin sa halagang P60 hanggang P120 per kilo.
5. UP Sunken Garden
UP Diliman, Quezon City
Ang open to the public space na ito na makikita sa bakuran ng UP Diliman ay isang perfect place para mag-unwind. Whether you just want to get some sun or do some exercises while being guided by huge trees around. Gandang place din for people watching.
6. Paco Park
Paco, Manila
The charm of Paco Park does not rely on it being a nature type of park although may mga puno at grassy areas ito na nagbibigay ng relaxing appeal, kung hindi sa historical aura nito. Build in a circular fort-like structure, makikita dito ang isang simbahan na naging amazing spots din para sa mga prenup picturials.