outbrain
Balitang Commute

Gobyerno nagpaliwanag matapos payagan ang e-trike ni Isko at hindi ang tricycle ni Vico

By: - 03/20/2020

IPINAGTANGGOL ng pamahalaan ang desisyong payagan si Manila Mayor Isko Moreno na gumamit ng e-tricycle sa Maynila, bagamat tutol  sa panawagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hayaang makabiyahe ang mga tricycle sa lungsod.

Sa isang briefing, iginiit ni Interior Secretary Eduardo Ano na hinayaan ang e-tricycle dahil arkilado ang mga ito ng lokal na pamahalaan.

“Iyong public transportation ay ipinagbawal natin, kasi ito iyong key para maipatupad mo iyong total lockdown, make it hard for people to move so they will stay at home. My job is how to make people stay at home. Now, if you allow mass transport, like kunwari iyon nga, iyong tricycle, you are opening a gate, we have about 4.5 million tricycles in the whole country,” sabi ni Ano.

Idinagdag ni Ano na sa Metro Manila aabot sa 270,000 ang kabuuang bilang ng tricycle.

“Now, the difference doon kay Mayor ng Manila, iyong e-trikes, e-vehicles ay hindi pumapasada, ito ay hinire at kinomisyon ng Manila on dispatch system for the purpose of bringing health workers to the hospital. So hindi sila pumapasada, they are on dispatch system, to pick-up the health workers – specific,” giit ni Ano.

Ani ni Ano, nais naman ni Sotto na payagang makapasada ang mga tricycle.

“Hindi iyong pumi-pick up ka ng pasahero at alam mo naman, kapag pinayagan mong mamasada kahit kaunti lang iyan, you cannot control it anymore,” paliwanag pa ni Ano.

 “Speaking of 270,000 tricycles, sabihin na nating 100,000 tricycle, I don’t want the PNP and the AFP check 100,000 tricycles every moment, just to check kung sino ang sakay. I’d rather have them focus their efforts on keeping the people staying at home,” ayon pa kay Ano.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...