outbrain
Good Vibes

COVID-19 lessons and realizations: ‘Competitive salary’ ibigay sa Pinoy health workers

By: - 03/24/2020

Habang hinihintay ng lahat na matapos ang COVID-19 crisis, sumasagi sa isipan kung ano nga ba ang mga positibong bagay na pwedeng tingnan sa kabila ng mga negatibong nangyayari ngayon. Sabi nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, laging may “silver lining” sa bawat pangit na nangyayari. 

Ililista ng Inquirer Libre ang mga life and societal lessons and realizations we can all learn from this pandemic. Ito ang ikalawa. 

Hindi masisisi ang mga Filipino health workers kung magtrabaho sila sa ibang bansa.

Kahit kasi sapat ang kinikita ay kinakapos pa rin dahil sa mahal na presyo ng bilihin at serbisyo sa Pilipinas.

Kung sila ang tatanungin, mabigat din para sa kanila na mawalay sa pamilya. Sino ba naman ang gustong mapag-isa sa malayo para alagaan ang iba habang hindi nasusubaybayan ang paglaki ng anak?

Ito ang realidad–kaunting sakripisyo para sa tumataginting na salaping kikitain abroad para sa pag-aaral ni bunso, pambayad sa utility bills at pangkain sa araw-araw.

Sa Amerika na paboritong destinasyon para guminhawa ang buhay, maaaring pumalo sa P310,000 ang monthly salary ng registered nurses na halos 10 beses ang laki kumpara sa Pilipinas. Sa Middle East, maaari silang kumita ng P204,000 kada buwan habang sa Europe ay nasa P150,000-P300,000 per month ang sweldo.

Nasa first tranche ngayon ng Salary Standardization Law V ang salary grade ng government employees kasama na ang medical professionals.

Ibig sabihin, effective January 2020, dapat makatangap  ang mga Nurse 1 ng monthly salary na P32,053.

Tignan: https://governmentph.com/ssl-5-table/

Tignan: https://governmentph.com/salary-grade-table-government-plantilla-positions/

Naipanalo ng government nurses ang kanilang isinampang kaso matapos ang apat na taon nang iutos ng Supreme Court noong October 2019 na dapat ay salary grade 15 ang kanilang matanggap imbes na salary grades 10-11.

Pinanigan ng Kataas-taasang Hukuman sa en banc session nito ang Section 32 ng Republic Act 9173 o ang 2002 Philippine Nursing Act. Sinasabi rito, “the minimum base pay of nurses working in public health institutions shall not be lower than salary grade 15.”

Basahin: https://newsinfo.inquirer.net/1175885/sc-says-nurses-entitled-to-p30000-basic-pay

Nagsampa ng kaso ang “Ang Nars Partylist” sa Korte Suprema noong 2015 matapos maibaba sa salary grades 10-11 ang sweldo ng mga nars matapos pirmahan ni ex-president Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order (EO) 811 noong 2009. Ang EO ay base sa Joint Resolution  No.4 na nagbigay kapangyarihan kay Arroyo na baguhin ang government salaries.

Ayon sa SC, “In ruling in favor of the petitioners, the Court ruled that Joint Resolution No. 4, being a mere resolution, cannot amend or repeal a prior law such as RA 9173 or the Philippine Nursing Act. The same applies to EO 811 which is also not a law, but an executive directive.”

Samantala, ang rural health physician ay sumusweldo ng P85,074 sa ilalim ng salary grade 24. Malayo ito sa limpak limpak na maaring kitain kada buwan kung nasa private practice.

Ang ibang medical personnel gaya ng Medical Technologist (grade 11) ay may minimum pay na P 22,316, Radiologic Technologist (grade 8), P17,505 at Physical Therapist (grade 10), P20,219.

Sakripisyo at “for the love” naman ang hatid ng barangay health workers/ volunteers sa mga komunidad kahit pa napakaliit na allowance o honorarium lang ang ibinibigay sa kanila ng local government units.

Kung patuloy ang pagtaas ng cost of living sa bansa at nananatiling nakapako sa maliit na halaga ang naiuuwi sa kani-kanilang pamilya, magpapatuloy ang “brain drain” at hindi malabong dumating ang araw na bilang na lang sa daliri ang mga Filipino medical professionals na handang magsilbi sa bayan.

Sa kanilang ipinamamalas na Pinoy brand of care and hospitality, karapat-dapat lang na tumbasan ito ng makatarungang sweldo kapalit ng kanilang buong tapang na pagharap sa front line tuwing may krisis pangkalusugan na hinaharap ang Pilipinas.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...