outbrain
Showbiz

Sigaw ng Pinoy celebs: COVID-19 mass testing…now na!

By: - 03/24/2020

MASS testing para sa COVID-19 ang isa sa mga nakikitang pinaka-effective na paraan para hindi na kumalat pa ang tinaguriang killer virus.

Pabor ang mga kilalang celebrities sa nasabing hakbang para mas maraming buhay pa ang mailigtas mula sa COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), mahigit 500 na ang confirmed COVID-19 case sa Pilipinas at patuloy ding tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil dito. At dahil nga rito, nanawagan na ang ilang personalidad na magsagawa na agad mass testing, as in now na!

Ayon sa TV host na si Bianca Gonzalez, “I really hope budget is released for the production of more testing kits because FREE MASS TESTING is just as important as the quarantine.”

Ni-retweet din ni Bianca ang pahayag ng vlogger-columnist na si Tonyo Cruz, na naniniwala ring mass testing ang isa sa mga epektibong solusyon sa nangyayaring health crisis sa buong mundo.

Ani Tonyo, “The spike in #COVID19 cases further justifies the demand for the government to implement FREE MASS TESTING starting in Metro Manila.”

Ganito rin ang sentimyento ni Alex Gonzaga sa kanyang tweet, “I agree. Yes to #MassTestingNgayonNa. Every filipino deserves this privilege. Please!”

Post naman ng TV host-comedian na si Luis Manzano sa kanyang social median account, “Serious question, why aren’t we doing mass testing yet? Is it a lack of budget? Availability of test kits?”

Na sinang-ayunan din ni KC Concepcion. Comment niya sa post ni Luis, “Thinking the exact same thing, have we gotten the answer to this?”

Para naman sa Kapuso beauty quee-actress na si Winwyn Marquez, dapat unahin ang symptomatic patients at frontliners kung magkakaroon man ng “mass testing”. Aniya pa, “Also.. please please FOLLOW PROTOCOL. unahin ang symptomatic patients, frontline health workers, and communities with confirmed cases.

Dagdag pa ni Winwyn, “Kung may available na, na test kits unahin ang kailangan unahin…sana magawa..im hoping na gawin na. #MassTestingPH #FreeMassTestingNOWPH.”

Galit na galit ang taumbayan matapos mag-viral sa social media ang tungkol sa reklamo ng mga frontliners tungkol sa balitang may mga pulitikong nag-request na unahin silang i-test kasabay pa ng kanilang pakiusap na puntahan sila ng DOH surveillance team sa kanilang mga bahay.

Reklamo naman ng madlang pipol, paano na ang ipinatutupad na protocol ng DOH na unahin munang i-test ang mga senior at ang mga pasyenteng may malubhang sintomas.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...