outbrain
Good Vibes

COVID-19 lessons and realizations: Sa susunod na eleksyon, for the nth time, choose wisely!

By: - 03/24/2020

Habang hinihintay nating lahat na matapos ang COVID-19 crisis, sumasagi sa isipan kung ano nga ba ang mga positibong bagay na pwede nating tignan sa kabila ng mga negatibong nangyayari ngayon. Sabi nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, laging may “silver lining” sa bawat pangit na nangyayari. 

Ililista ng Inquirer Libre ang mga life and societal lessons and realizations we can all learn from this pandemic. Ito ang una.

Bagay na bagay sa mga “nawawalang” politiko sa panahon ng problema ang linya ng isang kanta: “Nasaan na ang pangako mo noong sinusuyo ako, anong tamis anong lambing binibigkas ng labi mo.”

Saktong-sakto para sa mga “trapo” o traditional politicians na walang ginawa kundi magpakasasa sa kapangyarihan at kamkamin ang pondo ng bayan.

Kung noong panahon ng kampanya ay nalilibot nila ang kasuluk-sulukan ng bawat barangay para manligaw gamit ang matatamis na salita, ngayon kahit anino nila hindi makita.

Bato bato sa langit tamaan sapul. Not to name names pero siguro ay alam niyo naman kung epektibo at may tunay na malasakit ang leader na namumuno sa inyong lugar.

Sa social media, nanggagalaiti sa galit ang mga Pinoy. Anila, parang utang na loob pa nila ang pagkakaluklok sa pwesto ng kani-kanilang mayors.

Kung hindi pilit ang pagtulong ay todo credit grabbing ang ginagawa na para bang sa sarili nilang bulsa galing ang pondo para sa mga mamamayan.

Mabuti na lamang at may nananatiling tumutupad sa kanilang mga pangako. Nariyan ang mga local government officials na hands-on sa sitwasyon at higit sa lahat, hindi sinasarili ang mga proyekto sa kanyang nasasakupan.

Ngayong may health crisis na kinahaharap ang Pilipinas, lumalabas ang may tunay na kulay ng panglilikod.

Dalawang taon pa ang hihintayin bago ang national elections kung saan muling maghahalal ang sambayanan ng mga bagong pinuno mula pangulo hanggang municipal/ city councilors.

Panibagong mga plataporma na naman ang kanilang ilalatag para gayumahin si Juan.

Ilang beses mo na iyang narinig pero wala namang pagbabago. Bayad ka nang bayad ng buwis pero napakapangit pa rin ng serbisyo lalo na kung public health ang pag-uusapan.

Ang tanong, magpapadala ka bang muli sa matatamis nilang salita? Please, please, weigh your options.

 

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...