outbrain
Good Vibes

COVID-19 lessons and realizations: Work from home sagot sa matinding trapik, commuter problems

By: - 03/25/2020

Habang hinihintay ng lahat na matapos ang COVID-19 crisis, sumasagi sa isipan kung ano nga ba ang mga positibong bagay na pwedeng tingnan sa kabila ng mga negatibong nangyayari ngayon. Sabi nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, laging may “silver lining” sa bawat pangit na nangyayari. 

Ililista ng Inquirer Libre ang mga life and societal lessons and realizations we can all learn from this pandemic.

Ito ang ikatlo:

DAHIL sa takot na kumalat ang coronavirus sa workplace, napilitan ang maraming employer na ipatupad sa kanilang mga empleyado ang work from home scheme kahit mayroon naman talagang batas na umiiral ukol dito.

Naisabatas noong Dec. 20, 2018 ang Republic Act 11165 o Telecommuting Act a.k.a “Work-from-Home Law.”

Nilagdaan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang Implementing Rules and Regulations (IRR), tinutukoy dito ang telecommuting bilang “alternative work arrangement for employees in the private sector.”

Basahin: https://newsinfo.inquirer.net/1071707/duterte-signs-telecommuting-act

Nakasaad sa batas, “an employer in the private sector may offer a telecommuting program to its employees on a voluntary basis, and upon such terms and conditions as they mutually agree upon provided that such terms and conditions shall not be less than the minimum labor standards set by the law, and shall include compensable work hours, minimum number of work hours, overtime, rest days, and entitlement to leave benefits.”

Ngunit kahit may batas ay option lang para sa mga kumpanya ang telecommuting dahil nakadepende pa rin sa nature of work ng kanilang mga manggagawa ang implementasyon nito.

Basahin: https://newsinfo.inquirer.net/1105829/work-from-home-law-now-in-place-dole

Nang ipatupad ni Pangulong Duterte ang one-month enhanced community lockdown sa buong Luzon ay napilitan ang mga private industries na ipauwi sa mga empleyado ang kanilang trabaho para magpatuloy ang takbo ng negosyo.

Posible pala ito ngunit bakit ayaw ipatupad kung pwede naman ang work from home base sa nature ng kanilang trabaho? Sa implementasyon ng work from home, win-win solution ito para sa kalusugan ng workforce at paglago ng ekonomiya ng bansa.

Mababawasan ang matinding trapik sa kalsada at ang araw-araw na problema sa mass transportation commute kasabay ng pagpapanatili ng employee productivity. Domino effect.

Batay sa 2017 report ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nalulugi ang Pilipinas ng P3.5 billion kada araw dahil sa trapik.

Basahin: https://newsinfo.inquirer.net/970553/jica-traffic-congestion-now-costs-p3-5-billion-a-day-metro-manila-traffic-jica-cost-of-traffic

Ayon naman kay Waze country head Sarah Rodriguez sa interview ng Bloomberg, Manila ang “worst city to drive in” noong 2019. Base pa sa data ng GPS-based navigation application, 4.9 minuto ang kailangan bago makumpleto ang isang kilometrong pagmamaneho sa Metro Manila.

Tama ang Waze, mistulang lata ng sardinas na ang major thoroughfares tulad ng EDSA. Naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2018 na may 402,000 sasakyan ang bumabagtas sa EDSA araw-araw, halos doble sa dapat na 288,000 capacity lamang.

Sabi nga, may forever sa EDSA.

Samantala, may mga pag-aaral na nagsasabing nakababawas sa efficiency at effectivity ng empleyado ang pagkaipit sa trapik.

Sa isang artikulong inilabas ng The Huffington Post, nararamdaman ng mga manggagawa ang pagiging “anxious, dissatisfied and feel meaningless” dahil sa labis na oras na ginugugol sa trapik.

May 37 million Pinoy ang employed noong 2019 sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA). Malaking porsyento nito ay nagmumula sa mga neraby provinces ng Metro Manila gaya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Halimbawa, ang normal working hours sa Pilipinas ay 8:00 a.m to 5:00 p.m. Sa totoo, kailangan makaalis sa kanyang tirahan ang isang empleyado ng 4:00 o 5:00 ng umaga para makasakay agad sa public utility vehicles (PUVs), makipagsiksikan sa MRT o LRT nang makarating sa trabaho sa tamang oras.

Sa pag-uwi naman, magmamadali siyang mauna sa mahabang pila sa mga terminal ng bus, jeep, UV Express o tren bago muling suungin ang matinding trapik dahil sa “rush hour.” Kung swerte, nasa bahay na siya ng 7:00 ng gabi pero kung maiipit sa daan, 9:00 ng gabi na siya makauuwi.

Nasa apat hanggang limang oras lamang ang kanilang naitutulog kung susumahin. Ang resulta? mental at physical stress, puyat at fatigue na mga risk factors para magkasakit at hindi magampanan ng maayos ang trabaho.

Kawawa ang mga empleyadong walang choice kundi ang mag-commute ng malayo para makapaghanapbuhay kapalit ng kakarampot na kita kung maaari naman pala ang work from home. Well-being nila ang lubos na naaapektuhan dahil sa problema sa trapik.

Hi-tech na ang panahon ngayon. May mga paraan gamit ang mobile devices, laptops, desktop at iba pang telecommunication/ computer technologies para maging posible ang telecommuting.

Kung nasa bahay lang, hassle-free silang makapagtatrabaho, makatitipid sa pamasahe at maiiwasang magkasakit bunsod ng mga negatibong dulot ng matinding trapik.

Kung nasa bahay lang sila, kahit papano ay masosolusyunan ang matagal nang problema sa trapik dahil  mababawasan ang tao sa kalsada at siksikan sa mga sakayan.

Siguro’y oras na para muling tignan ng mga employers ang batas at aralin ang posibilidad kung paano ito maipatutupad ng permanente at epektibo. Kung sa panahon nga ng COVID-19 crisis ay nagawa agad agad, paano pa kung may mas mahabang oras ng pagsusuri?

Ngayong umiiral na ang RA 11165, may kapangyarihan ang DOLE para gabayan  ang mga industriya na makapagdesisyon kung kaya bang ilatag ang work from home arrangement base sa nature ng trabaho ng kanilang manggagawa.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...