outbrain
Balitang Commute

NAIA 2 at 3 pansamantalang tigil-operasyon

By: - 03/26/2020

PANSAMANTALANG ititigil ng Manila International Airport Authority ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 at 3.

Sa isang pahayag, sinabi ng MIAA na kumokonti na ang flight na dumarating sa bansa dahil tumitigil na ang biyahe ng mga airlines.

“A Notice to Airmen (NOTAM) has also been issued informing pilots around the world that only NAIA Terminal 1 remains in operation for the duration of the ECQ.”

Simula 12:01 ng umaga ng Marso 28 ang mga airlines na aalis at lalapag sa NAIA Terminal 1 ay ang Gulf Air, Korean Airlines, Asiana Airlines, China Airlines, Hong Kong Air, Eva Air, Japan Airlines, Jeju Air, All Nippon Airways, Cathay Pacific, Qatar Airways and Singapore Airlines at Royal Brunei.

Wala ng biyahe ang Oman Air simula ngayon samantalang ang Singapore Airlines at Royal Brunei ay nagpasabi na hihinto ang kanilang operasyon papunta at paalis ng Maynila simula Marso 29.

Magpapatuloy naman umano na pagserbisyuhan ng MIAA ang mga sweeper flights at repatriation flights para sa mga uuwing dayuhan at OFW. Ipagagamit dito ang Terminal 2.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal ang pagbabawas ng operasyon ay bahagi ng programa upang maiwasan na mahawa ang mga empleyado ng ahensya.

Inanunsyo ng Philippine Airlines ang suspensyon ng international flight nito mula Marso 26. Ang huling biyahe ng PAL na umalis ay kahapon MNL-SFO (PR104) at MNL-LAX (PR102).  Ang return flights ng mga ito ay sa Biyernes at lalapag sa Terminal 1 at siyang huling biyahe ng PAL sa ilalim ng ECQ.

Sa kasalukuyan, tumigil na ang local at international flights ng Cebu Pacific, Air Asia, Delta Airlines, United Airlines, Qantas Airways, Turkish Airlines, Emirates Airlines, KLM, Air China, Air New Guinea, China Eastern, China Southern, Ethiopian Airlines, Jet Star Asia, Kuwait Airlines, Malaysian Airlines, Saudia Airlines, Royal Brunei Airlines, Thai Airways, Tiger Airways, at Xiamen Airlines.

Nauna ng inihinto ng MIAA ang operasyon ng NAIA Terminal 4, at domestic operation ng Terminal 2 at 3 matapos ideklara ng Malacanang ang ban sa domestic flights.

 Mula sa 768 arawang flight movements, bumaba na ito sa 50 at magpapatuloy pa ang pagbaba dahil sa paghinto ng operasyon ng mga airlines.

 “The MIAA’s move to streamline airport operations is a three-pronged approach to 1) support government in its ECQ efforts because less personnel will have to report for work and will be confined to their homes thereby reducing exposure to the virus;  2) reduce cost on utilities by closing down NAIA T2, T3 and T4 and, 3) afford ground handling companies with a cheaper way of managing their logistics.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...