ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda.
Mas lalo pang lumala yan ngayon dahil lumiit ang options mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine na naglilimita sa mabibilhan ng ating mga cravings.
Ilang netizen naman ang nag-share ng kanilang mga DIY recipes para sa iba’t ibang meryenda, ulam at drinks.
Alin ang una mong susubukan?
1. DIY Mojos
Craving for mojos? Why not make your own?
Simple lang ang recipe na ito mula sa Facebook page na Sam’s Kitchen kung saan ang kailangan mo lang ay isang brand ng breading (any flavor you like) gatas na evap at siyempre patatas.
2. Dalgona coffee
While you need a daily dose of coffee, nahihirapan ka kung anong timpla ang gusto mo. Ayaw mo na rin ng timpla ng instant coffee mo. Pero merong isang very easy way to upgrade your coffee. Madali lang gawin ang viral dalgona coffee recipe na kumalat sa Internet.
Kailangan lang naman eh instant coffee of your choice, sugar at fresh milk or powdered milk.
This post by Ralph Ting on Facebook is a easy to follow at may dagdag pang isang version made from chocolate milk.
Tortang sardinas
Sandamakmak ba ang stock mo ng sardinas? Medyo sawa ka na? May ginawa ang Lost Juan na tinatawag nilang ‘sardines omelette ala pobre’ o tortang sardinas.
Kailangan mo lang ay bawat at sibuyas, kamatis, kangkong, paminta, asin, itlog at siyempre ang lata ng sardinas.
Kung may mga ganyang lumalabas sa Facebook meron namang masasabi mong sobrang tinipid na sa ingredients. Naubusan kaya sila ng ingredients?
Tulad ng viral photo ng lumpiang sinaeng na ito.
At ang paburitong sinigang na hindi baboy o baka o isda ang bida kundi hotdog?