SA kanyang honeymoon unang nabuo ang idea ng Almost Paradise ni Film-Am director Dean Devlin.
Kilala sa kanyang mga movies tulad ng Universal Soldier, Independence Day, Independence Day: Resurgence, at Godzilla, naisip ni Devlin na gawin ang series na ito sa Pilipinas.
Kwento nya sa interview with Asian Journal, 14 years ago during his honeymoon sa Hawaii, nakarinig siya ng kwento tungkol sa mga locals na nakahuli ng mga drug dealers. Napaisip siya tungkol sa kultura, hustisya at ispiritualidad ng isang isla.
Habang pinagmumuni-munihan nya ang ideyang ito, bigla na lang niyang naisip: Bakit hindi niya kaya gawin ito sa Pilipinas?
Bilang half-Pinoy kasi wala pa siyang nagagawa na konektado sa kanyang Filipino heritage.
Dito na nakipag-team up ang kanyang production company na Electric Entertainment sa ABS-CBN para gumawa ng sound stage sa Cebu.
“To be able to bring things from the culture — the looks, the costumes, the traditions — and put that seamlessly in a very American show…one of the goals here is not to say that Filipinos are the other. The goal is to say Filipinos are us and we’re all part of the same beautiful community,” aniya sa interview.
Ang kwento ng Almost Paradise ay tungkol sa isang dating Drug Enforcement Administration (DEA) agent na nag-early retirement at nag-decide na mag-abroad at magtayo ng sariling gift shop para sa tahimik na buhay. Sa Cebu siya napadpad.
Pinagbibidahan ito ni The Librarians star Christian Kane.
Bukod sa kanya ay ilang mga Pinoy din ang nasa cast tulad nina Arthur Acuña at Samantha Richelle
Natapos ni Devlin ang shoot bago pa man ma-impose ang lockdown at pagbawalan na ang mga flights palabas ng bansa. Magkakaroon ang Almost Paradise ng 10 episode sa first season nito.