Balita

LIBREng gulay initiative inilunsad

By: - 04/03/2020

UPANG mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka ng Cordillera, inilungsad ng isang solon ang #LibrengGulay initiative para makarating sa Metro Manila ang kanilang mga ani.

Ayon kay Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong hindi lang umano tao ang pinapatay ng coronavirus disease 2019 kundi maging ang vegetable farming industry.

Bumili si Ong ng trak-trak na gulay na kanyang ibinigay sa lokal na pamahalaan ng Pasig at Valenzuela na siyang magluluto ng mainit na pagkain para sa mga frontliners.

 Ayon kay Ong ang makapagliligtas ngayon sa mga magsasaka ng Cordillera region ay ang pagtiyak na walang putol ang pagbiyahe ng kanilang mga gulay kahit ipinatutupad pa ang Enhanced Community Quarantine.

Sinabi ni Ong na kung marami ang nagrereklamo sa Metro Manila dahil walang makain, sa Cordillera ay itinatapon naman ang mga gulay dahil nabubulok lang.

“Vegetables are a high source of nutrition and immune support na kailangan ng mga katawan natin in fighting COVID19 at iba pang sakit. Mas mura pa ang mga ito rin kaysa puro de-lata ang ipamigay o ipakain sa mga health workers, front liners at residents,” ani Ong.

Sinabi ni Ong na bagamat tiniyak ng pamahalaan na tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pagkain nanatiling mabagal ang bilihan ng mga gulay dahil sa kokonti ang namamalengke.

“People now prefer canned goods and other products with preservatives over perishable food products. This is killing the vegetable farming industry in the Cordillera region. Ibinabaon na lang nila sa lupa mga naha-harvest nilang mga gulay kasi nabubulok na,” paliwanag ng solon.

Ayon kay Ong maaaring makipag-ugnayan ang Department of Health sa Department of Agriculture upang makuha an mga gulay sa Cordillera at isuplay ito sa mga ospital.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...