NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang kanilang mga produkto ngayong may enhanced community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Para matulungan ang local farmers sa kanilang hanapbuhay at masigurong may sapat na suplay ng pagkain, nagsabi ang San Miguel Corporation (SMC) na bibilhin nito ang mas malaking bulto ng raw materials para gamitin sa food production habang may lockdown bunsod ng COVID-19.
“We are looking for ways to be able to tap more farmers for rice production, corn, cassava, coconut oil, pork, chicken, among others,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang. “Through this, we hope to be able to support the livelihood of our farmers and secure our future supply of food.”
Sa mga nakalipas na linggo, nakabili ang multinational conglomerate company ng kamoteng kahoy mula sa mahigit 17,000 magsasaka sa buong bansa.
“We want to make sure that farmers will directly benefit. It’s not only people in Metro Manila who are in need of help but our kababayans in the provinces including our farmers,” dagdag ni Ang.
Sinabi pa ni Ang na ang kanilang layuning bumili ng mas maraming produkto sa panahon ng health crisis ay mahihikayat ang mga magsasaka na magpursiging magtanim lalo na’t nariyan ang SMC na sure buyer ng kanilang pananim.
“Right now, we have more than enough inventory for our present needs, up to over six months. But we will still buy their produce, so we can further ensure supply. This will also allow us to start preparing for the succeeding months,” aniya.