MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu ng Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment.
Para mag-survive sa ‘new normal’, get a copy and memorize it by heart.
May mga inputs ang labor groups sa guidelines. May mga inputs na ni-reject, may isinama na suggestions pero pinalitan ng government ng ibang words para hindi lumaki ang gastos ng mga employers.
Sa guidelines, may kailangang gawin ang employers at employees separately and together to minimize transmission of coronavirus disease.
You need to comply with the safety and health measures na ipinapatupad ng company. Always wear personal protective equipment like face mask. Observe physical distancing.
You need to observe proper sneezing and coughing etiquette. Kailangan may panyo o tissue bilang protection sa pag-hatsing o pag-ubo.
Bawal na rin ang mag meeting nang matagal at magkumpulan para kumain o mag-kwentuhan nang matagal.
Palagian ang pag-disinfect o paghugas ng mga kamay gamit ang tubig, sabon o alcohol lalo na pagkatapos umubo o humatsing.
Kung kinakailangan kang magpa-COVID-19 test, sagot ng employer o kumpanya ang bayad nito. Sagot din ng company ang PPE at vitamins ng mga employees.
Pero hindi malinaw sa guidelines kung sagot ng employer o company ang 14-day isolation o quarantine period ng mga employees pero sinabi ng guidelines dapat ‘no dimunition of benefits’.
Ibig sabihin, ike-credit sa unused leaves mo– gaya ng sick leave, vacation leave, maternity leave, solo parent leave at iba pa– ang 14 days. Kung convertible to cash ang mga leaves nyo sa company, goodbye ang bonus.
Hindi rin malinaw sa guidelines kung compensable ba ang COVID-19 related disease o kung nahawa ka sa workplace o nahawa ka ng COVID-19 bilang bahagi ng iyong trabaho.
Pero siguruhin mo na may SSS, Pagibig at Philhealth contributions ka dahil malaking tulong ito sa iyo kapag nagkasakit ka ng COVID-19.
Ito yung mga ilang new normal sa workplace sa ‘new normal’ economy. Keep safe everyone!