Food

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

By: - 06/11/2018

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang pagkain dahil na rin sa impluwensya ng mga foreign visitors natin through the years mula pa noong dumating si Magellan. Although marami naman tayong original Pinoy food, meron din namang mga pagkain na giating ina-adapt sa ating panlasa at binibigyan ng Pinoy twist. Narito ang ilang classic Pinoy favorites at ang kanilang foreign look-a-like or taste-a-like counterparts.

1
Kare-Kare
Foreign food-look-a-like: Curry (India)
Pinoy style twist: Adds bagoong to taste

Ayon sa ilang historians, ang unang nag-introduce ng kari-kari ay ang mga Sepoy o mga sundalo ng India na natalaga rito. Dahil raw sa home sickness ay naisip nilang gumawa ng curry gamit ang available na mga sangkap sa bansa.
Through the years ay nabago na ito at naging Kare-Kare.

2
Halo-halo
Foreign food-look-a-like: Kakiguri (Japan)
Pinoy style twist: Adds more fruits.

The original Kakiguri ng Japan ay shaved ice at katas lamang ng isang klaseng prutas. Dito sa Pilipinas, dinagdagan natin ng maraming twist sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga buong prutas dito. Nanganak na ngayon ng iba’t ibang bersyon ang halo-halo sa bawat sulok ng bansa.

3
Sapin- sapin
Foreign food-look-a-like: Mochi (Japan)
Pinoy style twist: Different colored layers

Mula sa pangalan na sapin, meaning layers, maraming patong ang sticky rice cake na ito na kamukha ng mochi ng Japan. Ang preparation.Ito ay maingat dahil kailangan iwasan mong maghalo ang kulay ng
layers ng iyong sapin sapin.

4
Kinilaw
Foreign food-look-a-like: Ceviche (South America)
Pinoy style twist: Suka is used instead of aji,
a kind of fermented fruit.
Although almost the same, ilang historian ang nagsasabi na bago pa dumating ang kaalaman ng ceviche dito sa bansa ay matagal ng ginagawa ng mga Pinoy ang kinilaw, as evidenced by an archaeological dig na nagproduce ng mga lumang tabon-tabon na isang klase ng native fruit na ginamit diumano sa paggawa ng kinilaw.

5
Lumpia
Foreign food-look-a-like: Spring rolls
(China)
Pinoy style twist: Meat.
Originally, ang spring rolls ay gawa sa mga gulay na available na pagtapos ng winter sa China. Dito sa Pilipinas ay iba’t-ibang bersyon ang pwede mong gawin sa lumpia mula sa puro karne, gulay, at kung ano pa.

6
Bistek
Foreign food-look-a-like: Beef steak
Pinoy style twist: Marinated in soy sauce and calamansi and sauteed with onions.

Ang crowd favorite ng mga Tagalog sa Southern Luzon, ang bistek ay isang proof na any dish can be turned into purely Filipino. Maging ang pangalan nito ay Pinoy na Pinoy. Siyempre hindi mawawala sa pag-gawa ang isa sa pinakapaburitong sawsawan natin: ang toyo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...