TINIGIL na ng Lockdown Cinema Club ang kanilang call for donations as they have reached the target amount for 1,548 film workers na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine dulot ng coronavirus pandemic.
Sa kanilang Facebook post, masaya nilang ibinalita na naging matagumpay ang kanilang proyekto para sa mga freelance daily wage earners na nasa film industry.
Because of the success of their program, magkakaroon pa sila ng 2nd round ng kanilang financial aid disbursement.
Ang Lockdown Cinema Club ay grupo ng mga direktor, writer, producer, cinematographer, production designer, production manager, film editor and film student na nagsama-sama para magbigay ng tulong sa nangangailangan sa film industry na apektado ngayong ECQ.
Nakalipon sila ng pondo gamit sa pamamagitan ng free online movie showing at Facebook live shows with various artist.