SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente sa Pilipinas may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ginagamit sa Japan bilang lunas sa influenza ang naturang gamot.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire Miyerkules na magbibigay ng sapat na suplay ng Avigan ang Japanese government sa 100 pasyente. Darating umano ang mga gamot sa mga susunod na araw.
“Ang ating protocol ay ginagawa pa lang but what I can tell you is that the Japanese government is providing us with a supply of this drug for 100 patients,” ani Vergeire sa Laging Handa online press briefing.
Nagbabalangkas pa ang DOH ng guidelines at protocols para sa clinical trials nito.
“Pipili tayo ng mga hospital na isasali natin dito sa trial na ito at doon sa mga hospital na ‘yun, magkakaroon tayo ng protocol kung paano natin pipiliin ang mga pasyente,” dagdag ni Vergeire. “Because this is a clinical trial, the informed consent should be there.”
Sisimulan ng ahensya ang clinical trial ng Avigan kapag dumating na ang suplay ng gamot mula sa Japan.
Naiulat na ang Japan-developed drug ay nagbunga ng magandang epekto sa pagpapaglaing sa COVID-19 patients sa China lala na ang nagtataglay ng mild symptoms.