MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng ilang lugar sa Luzon mula sa enhanced community quarantine sa mas magaan na general communitty quarantine o sa kaso ng Metro Manila, ay modified enhanced community quarantine.
Sa guidelines ng GCQ, maaari na kasing makabalik ng trabaho ang karamihan sa working force ng Luzon.
Pero handa na ba tayong bumalik sa trabaho?
Sa article na ipinost sa INQUIRER, isang businessman ang nangangamba pa rin sa pagbabalik niya sa trabaho.
Ang kaniyang rason? Kakulangan sa mass testing at hospital capacity sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, nasa 8,000 test a day ang ginagawa ng Pilipinas kada araw.
Inaasahan nila na bago matapos ang Mayo ay marating ang kanilang goal na 30,000 test kada araw.
Isa sa mga na-interview ay sinabing pakiramdam niya ay minamadali ang paglipat mula sa ECQ sa GCQ ng gobyerno dahil sa namamatay na ang ekonomiya.
Para sa ilan, may takot man sa paglabas kapag naalis na ECQ ay kinakailangan na rin nilang kumita para sa pamilya.
Kinakailangan lang na maglagay daw ang gobyerno ng mga guidelines at mekanismo para maprotektahan ang work force na muling sasabak paghahanapbuhay.
Ikaw, handa ka na bang bumalik sa trabaho?