“SA classroom may batas, bawal lumabas…”
Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang nakaka-LSS na “Bawal Lumabas” song inspired by Kim Chiu’s recent rant regarding ABS-CBN shutdown?
Trending hanggang ngayon ang ang hanash ng Chinita Princess where she seemed to relate a “classroom law” sa nangyaring shutdown ng Kapamilya network.
Admit it, medyo malabo nga ang gustong ipahiwatig ni Kim na kahit siya mismo ay naguluhan sa sinabi niya.
Then creative minds came to make fun of her statement. Ginawa na itong kanta na may iba’t ibang version.
Nagkalat sa Internet particularly on social media ang mga kanta ng netizens na parang ino-nominate sa Grammy Awards dahil binigyan talaga ng effort.
Uploaded sa Youtube channel na Jopper Ril ang smooth jazz version na relaxing ang dating.
Reggae versus punk rock naman ang atake sa video na ito.
Ang cover ba ito ni Je, nilapatan ng electronic dance music na pwedeng pang-party.
Mapapa-head bang ka sa rock rendition ng Jpynfrnds Records.
Sweet and simple naman ang pagkakakanta ni Neko Chi using her ukelele.
Duet on a ballad na parang theme song ng Korean drama ang peg ng cover na ito ni Marcial Distor.
Hiphop remix featuring Kim’s original voice ang inareglo ni Abzter Bee. When you hear it, aakalin na kinanta talaga ni Kim ang sinabi niya.
Going classical music ang trip Aldrich Andaya with his piano cover.