outbrain
Balita

Pasig online finder gamitin para malaman kung kasali sa supplemental SAP ng siyudad

By: - 05/20/2020

PARA mabilis na mahanap ng mga residente ang pangalan kung kasali sa ayuda, naglunsad ang Pasig City ng online finder.

Inanunsyo ng Pasig City Public Information Office (PIO) sa isang Facebook post Martes na maaaring gamitin ang sap-pasig.com  para malaman kung pasado sa supplemental social amelioration program (SAP) ng lungsod.

“May online finder para sa mga nagtatanong kung sila ba ay naisama sa database ng Pamaskong Handog na siyang pangunahing basehan sa pagbuo ng listahan ng tatanggap ng Pasig Supplemental SAP,” ayon sa post.

Nagdesisyon ang pamahalaang lungsod na bigyan ang lahat ng pamilyang hindi kwalipikado sa financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Mayor Vico Sotto na tatanggap ang bawat household ng P8,000 mula sa mahigit P1 billion fund na inilaan para sa kanila.

Hindi naman na pwedeng makakuha ang mga nabigyan na ng national government.

Kung hindi makita ang pangalan sa list of beneficiaries, maaaring mag-register sa nasabing online platform, dagdag ng Pasig PIO.

“Hindi na kailangang pumunta ng City Hall, o di kaya ay magpalista kung kanino man. Sa online platform na ito pwede na ninyong gawin ang pagpapalista kung wala kayo sa database,” saad pa sa post.

“Tandaan na ang pagpapalista rito ay para lamang sa mga PAMILYA na kasalukuyang nasa Pasig, at hindi pa nakatanggap ng anumang SAP mula sa National Government.”

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...