outbrain
Balita

Netflix, Spotify, iba pa papatawan ng buwis

By: - 05/19/2020

INIHAIN ni House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang panukala na nagpapataw ng buwis sa international digital services gaya ng Netflix, Spotify, at mga advertisement sa Facebook at Youtube.

Ayon kay Salceda aabot sa P29.1 bilyon ang kikitain ng gobyerno kapag naisabatas ang kanyang House bill 6765.

“No new taxes here, we just want them to pay their fair share. Assuming you’re a company that sets up in the Philippines, and you do video-streaming or music-streaming services, you will definitely pay taxes. But companies like Netflix and Spofify don’t. That’s obviously not fair. When you’re a network in the Philippines, advertising services paid to you will be subject to VAT. But Google and Facebook are not subject to VAT for advertising. Ang laki po ng kinikita nila sa mga Pilipino, pero ni isang kusing ng VAT, wala,” paliwanag ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na mayroon ding issue sa kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga online seller ng Lazada at Shopee.

“And we are not able to capture that because our current definitions do not include them as withholding agents kahit nahawakan na nila ‘yung pera,” saad pa ng solon. “Simply put, these are not new taxes. These are tax administration measures that we hope will capture the value more fairly, para pantay naman sa lahat ng negosyo sa Pilipinas. Especially when local businesses are struggling due to Covid-19, and there are these companies that are making a killing because of isolation, but are not paying enough taxes.”

Kasama rin sa panukala ni Salceda ang pagkuha ng mga transport network vehicle service gaya ng Grab at Angkas ng income tax sa kanilang mga driver partner.

Sa ganitong paraan ang mga TNVS na umano ang magre-remit sa gobyerno ng income tax ng mga driver-partner at hindi na ang mga ito ang magbabayad ng kanilang buwis sa gobyerno.

Lilinawin din ng panukala ni Salceda na ang VAT ay kailangang ipataw din sa mga produkto na binili online gayundin ang mga online advertisement at subscription sa Google, Facebook, Netflix, Spotify, at mga katulad nito.

Ang mga kompanya gaya ng Lazada at Shopee na rin ang mangongolketa ng buwis mula sa kanilang mga seller.

“Consumer protection din po ito. Sa ngayon, runaway services po ang karamihan dito. Kapag may reklamo ka, paano mo sisingilin, wala naming opisina sa bansa, kaya wala naman kaming pwede panagutin,” ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na hindi na ito bago. Ginawa na umano ito sa India at Indonesia.

“Kung regular user ka lang naman, hindi ka naman apektado. If anything, these social media platforms need you, the user, to keep using, so that they could earn from digital advertising, the same way TV networks need viewers so they could get advertising contracts. So, the usual social media channels will definitely remain free. The whole idea that somehow, this bill will make social media networks charge users who don’t advertise, that’s a bad reading of the proposal.”

“The economic managers said we will need to find new revenue sources every time we propose new spending. I have a POGO tax proposal, a road users’ tax proposal that will not erode economic growth and will not tax the poor at all. I estimate that those proposals will yield around P65-70 billion a year if BIR and the other collection agencies could make good with collection efficiency. This is about another P30 billion. The House Ways and Means Committee is already solving a P100-billion share of the problem of revenues,” ani Salceda.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...