outbrain
Good Vibes

Project PUNLA Challenge: Backyard gardening sagot sa food shortage

By: - 05/21/2020

Photo: Papatahan Integrated National High School/ Facebook

DAGDAG na pagsubok ngayong may COVID-19 pandemic ang problema sa pagkain dahil nawalan ng pagkukunan ng kabuhayan ang mga nahinto sa trabaho.

Ang iba, tiis-tiis muna sa kung anong kaya ng budget. Ang iba naman, solb na sa ayudang de lata at instant noodles.

Sa Paete, Laguna, naisip ng Papatahan Integrated National High School na gamitin ang bakanteng bakuran para may mapagkukunan ng pagkain.

Sinimulan ng paaralan ang Project PUNLA Challenge upang maengganyo ang mga pamilya sa nasabing bayan sa backyard gardening na makatutulong sa kanila sa panahon ng krisis.

“Families who already received starter packs shall be the initial participants to Project PUNLA (Pamilyang Umuunlad at Nagkakaisa sa Larangan ng Agrikultura) where they will recieve rice incentives once their families were able to successfully grow vegetable garden in their backyards during this time of enhanced community quarantine,” sabi ng paaralan sa Facebook page nito.

Nakapagbigay na ng vegetable seeds, vermicomposts and concoctions sa 60 pamilya sa Sitio Papatahan.

Magbibigay ang mga guro sa bawat pamilya ng libreng konsultasyon at technical assistance upang malaman ang tamang proseso ng pagtatanim. Papayagan din sila na gamitin ang plant nursery at ibang agricultural facilities ng paaralan.

“We envision a community that has sprung forth and is renewed through agricultural change that values Mother Earth. Our mission is constantly making a collective call towards climate action, and to have environment and sustainability grow in the psyche of every families.”

Tumatanggap ang high school ng planting supplies tulad ng vegetable seeds at mga kagamitan para tulungan ang mga pamilya tungo sa sustainability.

Sa Metro Manila, matagal na rin isinusulong ng environment groups ang urban gardening/ farming bilang alternative food source. Anila, sariwa na ang prutas at gulay ay malaki pa ang matitipid kaysa laging bumibili.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...