outbrain
Good Vibes

‘Alkansya ng kawanggawa’: Barya-baryang ipon ng grade school taekwondo champ marami nang natulungan

By: - 05/22/2020

Photo: DepEd Philippines/ Facebook

NANG matanggap ni Jerik “Ninio” Paiwas ang text message ng kaklase na humihingi ng pagkain, hindi ito nagdalawang isip na gamitin ang premyo sa taekwondo competition para itulong sa kamag-aral at pamilya nito.

Ngunit ang problema, naibayad na pala ng kanyang Mama Nancy ang pera para sa kanyang training bilang paghahanda sa sasalihang Regional Athletic Meet.

Mabuti na lang at marunong mag-ipon si Ninio. Ang P1,200 na naipon ang ginamit ng estudyante mula Education Training Center School 1 sa Bacolod City para makapaghatid ng biyaya sa iba.

Ayon sa Facebook post ng DepEd Philippines, nag-iipon si Ninio para may pambili ng regalo sa kanyang mga kaklase sa darating na Pasko dahil Dec. 25 din ang kanyang kaarawan.

Malayo pa ang Pasko at wala pang katiyakan kung kailan magwawakas ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ngunit sa kabila nito ay maagang nakapagsulot ng ngiti at inspirasyon ang bata.

“Natuwa ako sa ginawa ng anak ko kaya kinuhanan ko siya ng picture at sinend ko sa mga kamag-anak at kaibigan namin,” sabi ni Nancy.

Nahawa sa kanyang kabutihan, dumami ang naghulog sa  “alkansya ng kawanggawa” ni Ninio para makapagbigay ng tulong.

Ang pinsan niyang si Princess Quiana na Grade 5 student ay ibinigay din ang ipon. Nakakuha rin ng suporta si Ninio mula sa kanyang tiyahin para may pandagdag sa pambili ng pagkain.

Dahil dito, hindi lang isa kundi 150 mahirap na pamilya ang naabutan ng food packs. Nabigyan ng special quarantine pass si Ninio para makasama sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang lugar.

Good boy

Talagang nasa puso na ni Ninio na isa ring sakristan ang pagiging mabuti, ayon sa kanyang nanay.

Nang manalo umano ito sa taekwondo tourney sa Korea noong 2018, malaking bahagi ng kanyang premyo ang itinulong sa mga batang mahihirap.

Nitong nakalipas na Pasko naman ay ginawang aguinaldo rin ni Ninio ang naipon para sa fruit vendor na ina ng kanyang kaklase para pandagdag puhunan sa negosyo.

“Noong lumaban kasi siya sa Korea, namigay ang mga schoolmate niya ng mga barya-barya bilang suporta sa kanya,” sabi ni Nancy. Napakalaking tulong ‘yun noon para sa amin. Kaya natutuwa kami na marunong magbalik si Ninio ng blessings.”

Hindi lang ang mga gintong medalya at husay sa sports ni Ninio ang maipagmalaki ng paaralan kundi pati na rin ang busilak na puso ng kanilang outstanding student.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...