outbrain
Balitang Commute

Hirit ni Jonvic: Backrider payagan pag mag-asawa, ‘magkasama’

By: - 05/21/2020

HUMIRIT din si Cavite Governor Jonvic Remulla na sana ay payagan na ang mga backrider na mag-asawa o nakatira sa iisang bahay.

Sa isang sulat na naka-address kay Health Secretary Francisco Duque, nanawagan siya sa Inter-Agency Task Force tungkol sa pagbabawal ng angkas sa mga motorsiklo.

Ayon kay Remulla, naiintindihan naman niya ang polisiyang ito at hindi naman niya ito tinututulan.

“Ang nais ko po sanang idulog ay mapayagan ang backriding sa kaso ng mga mag-asawa at nagsasama. Sila po ay natutulog sa iisang kama. Kumakain sa iisang mesa. Naghahati sa iisang mangkok at kanin at nagpapasa ulam nang naka-kamay. Ganito po ang buhay dito at sa buong bansa.” aniya.

Sinabi pa ng governor na simula ng mapasailalim ang Cavite sa general community quarantine, ilang mga negosyo ang nagpatigil na ng kanilang shuttle service.

Marami ang hindi makabalik sa trabaho dahil ang kanilang paraan lang para makapasok ay ihatid sa pamamagitan ng motorsiklo.

Katwiran pa ni Remulla, kung papayagan naman na makasakay sa kotse bakit daw hindi sila maaaring sumakay sa motorsiklo.

Minungkahi niya ang pagbibigay ng ‘Couple Pass’ para sa mga mag-asawang nakamotor at ang pagpapakita ng marriage certificate sa mga checkpoint.

Ito rin ang hirit ni Naga City Mayor Nelson Legacion dahil ito raw ay “viable alternative for transporting them from home to work, vice versa.”

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...