outbrain
Balitang Commute

Mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo may basehan sa batas

By: - 05/23/2020

MAYROON umanong basehan sa batas ang pagkakaroon ng backride sa isang motorsiklo.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., kung sa isang four-wheel vehicle ay pinapayagan ang higit sa isang sakay dapat ay hayaan na rin umano ang isang backride sa motorsiklo kung ito ay asawa ng driver sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

“The constitutional basis of this position is the equal protection provision of the 1987 Constitution. This equal protection of law covers life, liberty, and property, as well as livelihood,” ani Garbin.

Mayroon umanong 7.2 milyong rehistradong motorsiklo na inaasahan ng maraming pamilya bilang paraan ng pagbiyahe.

“Kung ang isang pribadong sasakyan nga ay pinapayagang mag sakay nang hanggang tatlong tao kahit hindi magka-kamag-anak o kaya naman ay nakatira sa isang bahay, walang reason para ipagkait ang pagkakaroon ng angkas kung kapamilya naman ang naka-angkas.”

“Mali na ang mayaman at middle class na de-kotse maaaring makarating sa kanila trabaho, palengke, botika, ngunit ang mahirap at low income hindi dahil lamang sa motorsiklo lang ang kaya nilang maging personal na sasakyan.”

Sinabi ni Garbin na kailangan ding pumasok sa trabaho ng mga mahihirap at ang motorsiklo ang isa sa paraan upang makarating sila sa kanilang pinapasukan.

“Mali na ang mahirap na maaari sanang maging pasahero sa motor ay napipilitang maglakad ng kilu-kilometro habang ang mga de-kotse ay madaling nakakauwi sa kanilang mga pamilya.”

“Mali na hinahayaang makalusot sa checkpoints ang mga pasahero ng mga SUV at kotse kahit wala silang suot na masks at kahit sila magkakatabi, habang ang mga pobreng nakasakay sa motorsiklo ay hinihigpitan ng todo.”

Sinabi ni Garbin na ang pagbabawal sa magka-angkas na mag-asawa ay “hindi tumutugon sa realidad”.

“The logic behind the prohibition appears to be inapplicable to couples and immediate family members because family members reside in the same house. The perceived benefit of social distancing does not exist in a household, wala naman social distancing ang isang pamilya sa kanilang tahanan. Kung ating iisipin rin, ang mga sumasakay sa motor ay mga naka mask at helmet na. Palagay ko’y sapat na itong compliance.”

Umapela si Garbin sa Inter Agency Task Force na pag-aralan na alisin ang pagbabawal na ito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...