outbrain
Balita

‘Robot’ students gumraduate sa Taguig

By: - 05/23/2020

NAISAGAWA sa Taguig City ang cyber graduation ceremony kahapon.

Sa halip na mga estudyante, mga robot na mayroong litrato ng graduating student ang umakyat sa stage.

Isinagawa ng Taguig City government ang pilot cyber-graduation sa Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School.

Dumalo sa graduation ang mga opisyal ng Taguig, Department of Education at SRCC na nakasuot ng facemask at magkakahiwalay na upuan.

Ang robot na ginamit ay gawa ng Taguig Robotics Team na ilang beses nang nanalo sa mga lokal at international competition.

Ang mga robot na nakasuot ng toga ang tumanggap ng diploma ng 179 graduates. Ang robot ay mayroong tablet na mukha kung saan lumalabas ang litrato ng graduate na tatanggap ng diploma.

Ang graduation ay napanood ng live sa Facebook.

Ang mga robot na ito ay gagamitin din sa graduation ng 24 public elementary at 12 public high school sa lungsod.

“We know how deeply symbolic a graduation ceremony is for graduates and their parents,” ani Mayor Lino Cayetano. “This is why we came up with a program that can help them celebrate their accomplishment while respecting health standards and policies during the COVID-19 community quarantines.”

Sinabi ni Cayetano na ang 12,931 Grade 6 graduates ng lungsod ay makatatanggap ng P1,000 bawat isa at P1,500 naman sa 3,276 graduate ng grade 12.

Ang Top 1 naman sa 24 na public elementary at 13 public high schools ay makatatanggap ng P15,000 bawat isa. Ang Top 2 naman ay P12,500 at ang Top 3 hanggang 10 ay tig-P5,000 sa Grade 6 at P7,500 sa high school.

Ang mga Top 1 sa  bawat klase ng Grade 6 ay tig-P2,500 at P5,000 naman sa Grade 12.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...