outbrain
Good Vibes

‘Meralco memes’ spark na spark online

By: - 05/23/2020

SUMASABOG sa galit na para bang nagpuputukang transformers ang mga customer ng Meralco dahil sa sobrang taas na electric bill ngayong Mayo.

Bumuhos ang reklamo sa social media. Ang sigaw ng ordinaryong Pinoy na hirap na hirap ngayong may COVID-19 pandemic, halos doble o triple ang consumption nila na nagpalobo sa kanilang electric bill.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang singil para sa March at April ay ang average daily consumption sa nakalipas na talong buwan (Dec. 2019, Jan. at Feb. 2020). Mas mababa umano ang singil sa mga buwan na ito dahil “cooler months” ang three previous months.

Kung estimated pa rin ang May bill, nire-reflect nito ang nakalipas na tatlong buwan (Feb.-Apr.) average daily consumption. Mas mainit naman daw sa mga panahong ito dahil sa summer season at mas malakas ang paggamit ng kuryente dahil bukod sa mainit ay nakakulong lang ang mga tao sa kanilang mga tahanan dahil sa lockdown.

“Adjustments will be reflected as soon as we are able to read your meter and get your actual reading,” ayon sa Meralco.

Narinig ng Department of Energy at Energy Regulation Commission ang hinaing ni Juan kaya iniutos nito sa power distributor na ibase sa actual meter reading ang singil sa kuryente.

Sinabi naman ng Meralco na susundin nito ang utos ng ahensya at maglalabas ng bagong electric bill na base sa actual meter reading.

Ang mga households na kumokonsumo ng 200kWh pababa noong February ay entitled sa six months installment para sa March-May bills habang ang lalagpas dito ay sa loob ng apat na buwan pwedeng magbayad.

Natural na masayahin sa kabila ng problema, muling idinaan sa tawa ng mga Pinoy ang nakadidismayang pangyayaring ito.

Narito ang ilang memes sa Facebook at Twitter na nagpatawa para mawala ang stress dahil sa Meralco:

Let’s do the math.

Gulat ka ‘no?

Social amelioration program ng DSWD? Bato-bato sa langit.

OA! Walang ganun, mars! (Pretty sure, edited ito)

Sakit sa dibdib, besh?

‘Yung gulat na gulat ka at ‘di mo expected parang si Catriona lang nung manalo sa Miss U!

Ayuda.jpg

Roleta ng kabuhayan.

Spiderman is shaking.

‘Wag kasi mag-eexpect. Go with the flow lang.

 

 

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...