ITINALAGA si James Reid bilang Ambassador of Food Security ng Department of Agriculture.
Inanunsyo niya ang bagong position sa kaniyang Instagram account habang nag-share ng photo na yakap ang isang halaman.
“LETS GROOOW!! Thank you to the Department of Agriculture and Secretary Dar for trusting me with the role of Ambassador of Food Security. Thanks for the gift. Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine! #plantplantplant.” sey ni James.
Bilang ambassador, trabaho ni James ang pag-inform sa publiko tungkol sa pag ‘sustained food security, food accessibility, and affordability.’
Siya rin ang mangunguna sa pag-highlight sa mga importanteng roles ng mga farmers at fishermen sa bansa.
Kasama siya sa pag-launch ng Plant, Plant, Plant program na ini-launch nitong Martes ng DA.
Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes ang appointment na ito ay libre dahil mismong si James daw ang nag-volunteer para sa proyektong ito.