Good Vibes

3-month old baby sa La Union tinalo ang coronavirus

By: - 05/27/2020

Photo: City Government of San Fernando, La Union

HABANG patuloy na hinaharap ng mundo ang hindi tiyak na bukas dahil sa coronavirus pandemic, walang mas sasakit para sa isang ina na makita ang walang kamalay-malay na anak na lumalaban sa hindi nakikitang kalaban.

Pero lahat ng pangamba at takot ng isang nanay sa San Fernando, La Union ay napawi matapos matagumpay na tinalo ng kanyang three-month old baby ang COVID-19.

Base sa Facebook post ng lungsod, nakalabas na ang sanggol nitong May 20 mula sa city isolation facility ng San Fernando.

Makulay at mistulang birthday party ang ginawang selebrasyon ng mga medical workers sa kanilang pinakabatang survivor na sinundo ng kanyang nanay sakay ng wheel chair. May asul na lobo, blue-colored celebration cake, tarpaulin at printed placards na may nakasulat na “BE HAPPY” at “WE ARE HAPPY FOR YOU.”

Ang sanggol ang ikaapat na confirmed case sa lungsod at na-admit noong April 27 sa Ilocos Training and Regional Medical Center. Kimumpirma ang kanyang tuluyang paggaling sa sakit matapos magnegatibo ang swab tests na isinagawa noong May 3 at May 15.

“Lubos na nagagalak ang pamilya ng sanggol dahil nalampasan nila ang pagsubok na dumaan sa kanilang buhay,” sabi pa sa post ng city government. “Hindi magiging possible ang mga pagkakataong ito kundi dahil sa pagsisikap ng ng ating mga frontliners at sa pagtutulungan ng bawat isa.”

Naging sandigan din umano ng pamilya ang pananampalataya sa Diyos para malagpasan ang mabigat na pagsubok na ito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...