Good Vibes

Gamit ang sinag ng araw at magnifying glass, Grade 12 artist nilikha ‘Last Supper’ sa retasong kahoy

By: - 05/27/2020

Photo: Robert Delos Reyes Abilong/ Facebook

SA pagiging Katolikong bansa ng Pilipinas, madalas na makikita sa mga tahanan ang “Last Supper” o ang huling hapunan ni Hesukristo kasama ang kanyang mga alagad.

Ang obrang ito na ipininta ng Italian artist na si Leonardo Da Vinci ay mahalaga at makahulugan para sa pananampalataya ng mga Pinoy- lalo na ngayong dumaranas ng matinding pagsubok ang bansa dahil sa coronavirus pandemic.

At ito ang naging inspirasyon ng Grade 12 senior high school student na si Robert Delos Reyes Abilong ng Pagsanjan Integrated National High School para makagawa ng sariling bersyon ng 15th century mural painting habang may community quarantine at makapagbigay pag-asa sa mga tao sa gitna ng Covid-19 crisis.

Dahil walang sapat na pera pambili ng art supply tulad ng  acrylic paint o anumang uri ng pangkulay, sikat ng araw at magnifying glass ang nagsilbing tools ni Abilong para malikha ang Last Supper.

Naisip din niya kung paano magagamit ang matinding init ng panahon at mga pinagtabasang kahoy sa tambakan para makagawa ng art.

“Pyrography” o ang “free handed art of decorating wood or other materials with burn marks resulting from the controlled application of a heated object” ang tawag sa mode of art na ginawa niya. Natutunan niya ito mula sa panonood nito sa YouTube.

Itinapat ng estudyante ang magnifying glass sa sinag ng araw. Dahil sa refraction, nagdudulot ng sunog sa kahoy ang proseso at dito na maaaring ipinta ang gustong disenyo.

Inabot si Abilong ng isang linggo bago matapos ang obra dahil sa pabago-bagong panahon. Marami ang humanga sa kanyang husay.

“Hindi ko po alam talaga kung paano mai-express ang nararamdamam ko ngayon,” sabi ni Abilong INQUIRER LIBRE. “Sana po maging inspiration po sa ating mga kababayan na natitigil po sa kanilang tahanan sa ganito pong krisis.”

Pagbabahagi pa niya, si Da Vinci ang isa sa kanyang mga hinahangaang visual artists kaya Last Supper ang pumasok sa isip niyang likhain.

Future architect

Kwento ni Abilong, nagsimula ang kanyang hilig sa art noong musmos pa lamang.

“Way back nung bata pa daw po ako mahilig na po ako magdrawing ng kung ano ano,” aniya.

Kanya nang nagagamit ngayon ang talento para makatulong sa pamilya bilang freelancer din ng iba’t ibang klaseng artwork.

“Basta po may libreng oras para kumita go lang po,” sabi ni Abilong.  “Yung mga gamit po na kailangan ko kapag may pera imbes na hingin ko pa po eh ginagamit ko po yung perang kinikita ko.”

“[Nakakapagbigay rin po ako sa panggastos sa bahay] kapag medyo malaki po ‘yung natatanggap’di po kasi palagi may tanggap,” dagdag niya.

Ito rin ang nagsisilbing pundasyon para hindi sumuko at tuparin ang minimithing pangarap.

“Pangarap ko lang po is maging tanyag na arkitekto kahit sobrang hirap ng buhay,” pagpapatuloy niya.

Sa pamamagitan ng kanyang viral Last Supper art, nagdulot ito ng pag-asa at liwanag sa mga Pinoy habang patuloy na sumusulong sa hamon ng buhay sa gitna ng pandemya.

Nagpapasalamat si Abilong na may nakakapansin sa kayang mga likha. Malaking bagay ito para lalo pang pagbutihin ang talentong kaloob ng Maykapal.

“Nais ko lang po magpasalamat sa mga na-inspire sa ginawa ko.”

Para naman sa kanyang mga kapwa artists na humaharap din sa pagsubok, ang masasabi ni Abilong, “para po sa mga local artist na magsisimula palang kagaya ko,madami tayong pagdadaanan. [Nariyan] ang kritisismo at iba pa gayunpaman ay isa ito sa bahagi para tayo ay matuto at mahasa.”

 

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...