Good Vibes

Seashells by the seashore: Sandamakmak na kabibe lumitaw sa dalampasigan ng Boracay

By: - 05/28/2020

Photo: Toti Arcibal Saluna/ Facebook

KUNG sa mga normal na araw ay sangkaterbang turista ang makikitang palakad-lakad sa pino at maputing buhangin ng Boracay Island, ngayon na mistulang nakabakasyon ang isla dahil walang turista ay sandamakmak na kabibe naman ang naglitawan sa dalampasigan nito.

Namangha ang netizens online sa mga larawang ipinost ni Toti Arcibal Saluna sa Facebook kung saan makikita ang nagkalat na shells sa beach front.

Base kay Haron Deo Vargas, marine biologist ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Community Environment and Natural Resources sa Boracay, ilan sa mga uri ng shells na kanyang na-identify ay scallops, oyster at clam.

Inaalam naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung ano ang eksaktong pagkakakilanlan ng iba pang kabibe na kanilang susuriin.

“Kakakuha lang po ng sample shells ng taga BFAR kahapon (May 26) po for identification probably down to species level or I don’t know pa,” sabi ni Vargas sa INQUIRER LIBRE.

Tinitiyak din ng mga eksperto kung may kinalaman ba ang pananahimik ng Boracay dahil sa kawalan ng turista kasunod ng lockdown sa buong bansa dulot ng coronavirus pandemic sa biglaang pagsulpot ng mga nilalang.

“Isang factor ‘yan na tinitingnan. Sa ngayon, more on speculations pa lang kung anong mga maaring cause po,” dagdag ni Vargas.

Ito umano ang unang beses na dumagsa ang ganoon karaming kabibe sa dalampasigan. At kasabay ng paglitaw ng marine species ay ang pag-usbong din ng sari-saring kuro-luro ng mga residente.

“First time daw po in history ng Boracay. May iba na-amazed, May iba naman nagsasabi na bad omen daw may delubyo daw na paparating,” sabi ni Vargas.

Maaari umano itong natural phenomenon o gawa ng tao. Ang mahalaga sa ngayon hangga’t ‘di pa tiyak ang tunay na dahilan ay maging mapagmasid, payo niya.

“It could be natural or human induced,” sabi ni Vargas.  “As long as wala pa tayong result based on scientific study, hindi pa talaga natin alam. Basta dapat vigilant lang tayo palagi sa lahat ng nangyayari sa paligid natin.”

Sabi ni Vargas, ang Pilipinas ang “Center of the Center of Marine Biodiversity” sa planeta kaya naniniwala siyang isang patunay lang ang paglitaw ng mga kabibe na talagang napakayaman ng yamang dagat sa bansa.

“Maging dito po sa Boracay is napakadiverse nung mga sea shells natin na dapat talagang pangalagaan,” aniya.

Hiling din ng marine biologist ang pakikiisa ng bawat Pilipino para mapanatili ang ganda ng kalikasan.

“Sana po eh maging katuwang kayo ng ating pamahalaan na mas lalo pang pangalagaan ang ating mga yamang dagat dahil sa huli sila rin ang makakabenipisyo nito.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...